Chapter 17: Determinadong Senyorito

1520 Words
"Mama?!" palatak na wika ni Perry nang malingunan ang ina. Kinabahan tuloy siya na baka nakita siya nitong nakikinig sa usapan nila kanina ng katawag nito. "Sino ang sinasabi mo?" ulit ng ina na nagtungo rin sa counter upang kumuha ng maiinom. Doon lang napansin na may hawak nga pala itong kopita, marahil ay nainom na kanina pa sa may terasa. "Wala, mama, naisip ko lang si Gretchen," agad na kaila ni Perry nang maalala ang babaeng magpapakasal sa isang Escodero na naging topic nila ng kaibigang si Randy. "Gretchen?" maang ng ina "Gretchen Chua," gagad sa ina. "Chua, you mean ang nag-iisang anak ni Richard Chua?" wika ng ina "Tama ka, mama," ani Perry. "Huwag mong sabihin na nililigawan mo siya?" ani ng ina. Napangisi si Perry. "Hindi mo ba nasagip ang tsismis?" sarkastikong wika ni Perry sa ina na kinataas ng kilay nito. "Hindi ako nakikitsismis sa mga taong walang kinalaman sa 'kin," maang na wika ng senyora. "Well, may kinalaman siya sa mga Escodero," ani Perry at nakitang naging interesado ang ina. "Anong ibig mong sabihin?" usisa ng ina. "Ikakasal si Gretchen Chua kay Tyrone Escodero," bigay-alam ni Perry sa ina. Nakitang napakunot-noo ang ina. "Tyrone?" usal nito. "Oo, si Tyrone Escodero ang pangalawang anak ni Mauricio at Elena Escodero," matigas na wika ni Perry sa ina at kapansin-pansin ang pag-ilap ng mga mata ng ina. "Mukhang napakabilis ng panahon, akalain mo 'yon malalaki na pala kayo," tinig ng ina. "Ikaw, kailan ka magtitino? Hindi ka rin ba makahanap ng matinong babae, hindi lang ang mga anak ng mga trabahador natin ang kaya mong ligawan?" may himig sarkastikong wika ng ina. "Mama, hindi ko sila nililigawan, tinitikman ko lang sila," gagad ni Perry upang pasubalian ang sinabi ng kanyang ina. "Ikaw talagang bata ka, hindi pwede ang ganyan sa oras na maluklok ka bilang alkalde ng bayang ito," palatak ng ina. Agad na sumingit ang narinig na usapan ng ina at ng kausap nito sa cell phone kanina hinggil sa kanya. Ano kaya ang hinihiling ng kausap nito kanina na nahihirapang ibigay ng ina lalo na at siya raw ang involve. "Mama, kailangan ko ba talagang tumakbo bilang mayor ng bayang ito?" maang na tanong sa ina at doon ay napatigil ito. "Bakit anak, ayaw mo bang humalili sa papa mo?" maya-maya ay mahinang sabad ng ina. "Hindi sa ayaw ko mama pero naisip ko lang na magulo ang mundo ng politika bagay na ayaw ko," ani Perry. Nakitang napapaisip ang ina hanggang sa maya-maya ay narinig ang tinig nito. "Ikaw, ano bang desisyon mo at sasabihin ko sa papa mo, gusto mo bang umatras?" untag ng ina. Sa pagkakataong 'yon ay si Perry naman ang natigilan. "Papayag ka bang aatras ako kung sakali?" digang tanong sa ina. "Ha? Uhmmm, oo naman kung hindi ka masaya sa bagay na gusto naming mangyari," turan ng ina na biglang umilap ang mga mata. Nababaghan si Perry sa mga sinasabi ng ina, parang hindi siya ang nagsasalita. 'Ito ba ang hinihiling ng kausap niya kanina?' tanong tuloy sa isipan ni Perry. Ngunit kinutra rin agad ng isipan dahil hindi magagawa sa kanila ng kanyang ina ang ganoong bagay. "So, gusto mong aatras ako sa pagtakbo ko sa eleksyon at maghari ang mga Escoderosa bayang ito?" bulalas ni Perry sa ina at nakitang napayuko ito dahilan upang lalong maghinala sa ina. "Hindi sa gusto ko silang maghari, I just want you to be happy sa gagawin mo?" giit ng ina pero nabuo na ang pagdududa sa kanyang isipan. "Don't worry mama dahil kahit pinilit mo akong tumakbo ay masaya ako. I want to prove myself, I want to win over Tyrese Escodero," matatag na turan sa ina. Akala niya at ngingiti ang ina sa sinabi nito ngunit hindi 'yon nangyari, nakita niyang lumalim ang pag-iisip nito. "Mama, hindi ba kayo masaya dahil finally ay decided na akong labanan ang kaaway ng ating pamilya?" untag nu Perry at doon ay napaskil ang fake na ngiti sa labi ng ina. "Of course masaya anak dahil ngayon ay nagkakaroon ka na ng sense of responsibility," anang ni Franceska na hati ang damdamin lalo na hinihiling ito sa kanya. "Cheers to that, mama, ako ang susunod na ama ng Sta. Caridad," wika ni Perry sabay taas ng bote ng alak na kanyang tinutungga. Wala namang nagawa si Franceska kundi ang itaas ang kopitang hawak. "Well, mukhang nagkakasiyahan kayong mag-ina, hindi niyo man lang ako ginising," tinig buhat sa kung saan. Mabilis na napalingon ang mag-ina sa pinanggalingan ng tinig. "Patricio," gagad ni Franceska nang makita ang asawa. "Bakit mukhang gulat ka, Franceska, I woke up at wala ka sa tabi ko kaya bumangon ako upang hanapin ka at nandito pala kayong mag-ina. What's going on?" hirit pa ni Patricio. "Wala naman, hindi makatulog itong anak mo at nandito. Hindi rin ako makatulog kaya nagpahangin ako sa terasa habang umiinom ng red wine, I was avout to get a refill nang madatnan ko rito ang anak mo," kuwento ni Franceska kung paano sila nagtagpo ng anak sa mini bar. Napangiti na lamang ng lihim si Perry dahil sa sinabi ng ina ay nalaman niyang hindi pala siya nito nahuli. "Yes, papa, mukhang pagod ka kaya hindi ka na ginambala pa siguro ni mama," segunda ni Perry. "Anyways, ano itong narinig kong usapan niyo na desidido ka nang tumakbo bilang alkalde sa bayang ito sa susunod na eleksyon?" diga ng ama. Ngumiti ng matamis si Perry at lumapit sa ama saka umakbay rito. "Yes, papa, desidido na akong labanan si Tyrese Escodero at sisiguraduhin kong ako ang susunod na mayor sa bayang ito," matigas na wika ni Perry. Napangiti si Patricio sabay tapik sa balikat ng anak. "Masaya ako anak, sana ipakita mo sa amin na kaya mong tanggapin ang responsibilidad ng pagiging ama ng bayan kapag napatunayan mong kaya mong i-take ang responsibilidad bilang tunay na ama. Give as a grandson," palatak ni Patricio. "Patricio?!" mabilis na bara ni Franceska sa asawa. "Of course, show us a girlfriend first. Itigil mo na ang pakikipaglaro mo sa mga babae dahil ikasisira lang 'yan ng image mo," parubggit ng ama. Pumasok tuloy sa isipan ni Perry si Marga nang banggitin ng ama na magpakita siya ng kasintahan sa mga ito. Tila gustong mapamura si Perry sa naisip. Ibig bang sabihin noon na gusto niya si Marga. Baka sa pangalawang pagkakataon ay maulit ang nakaraan na may Caballero at Escodero na nag-agawan sa iisang babae. "Papa, mahirap naman yata ang hinihiling mo, besides ayaw ko pang maging ama, I mean, mabigat na responsibilidad 'yan," palatak sa ama. "Mas mabigat ang responsibilidan ang maging ama ng bayan, dahil lahat ng problema ng tao at ng bayan ay ikaw ang sosolusyon kaya I want you to be train sa ganoong klase ng responsibilidad," giit ng ama. "Masyado ng gabi upang pag-usapan ang bagay na 'yan," singit na tinig ng ina. Napatingin ang ama sa kanyang ina. "Tama ang mama mo, masyadong gabi para pag-usapan ang politika, mabuti pa ay matulog na tayo," anang ng ama. Pumanhik na ang mga ito patungo sa silid pero nananatili si Perry sa mini bar. 'Hindi ako magpapatalo sa 'yo, Tyrese, maaaring mas maaga mong nakilala si Marga pero sisiguraduhin kong ako ang pipiliin niya,' hayag sa isipan ni Perry. *** Kinabukasan ay alas-kuwatro pa lamang ay gising na si Tyreen. Mabuti naman at gising na ang mag-aaawang Pacio at Cresencia. "Tutuloy ka ba, senyorito, paano kapag magtanong ang papa mo at si senyorito?" may kabang tinig ng matanda. "Kailangan kong bumalik ng maaga roon manang dahil baka hindi na nila ako pabalikin kapag hindi ako sumunod sa pangako ko," giit sa matanda. "A-Ano na lang sasabihin ko sa papa at kapatid mo?" maang nito. "Tell them na tinawagan ako ng kaibigan ko dahil abala kami sa pinapatayo naming negosyo. Please, manang alam kong ayaw mong magsinungaling kay papa pero please do it for me," pagsusumamo sa matanda. "Naku, ikaw talagang bata ka, siguraduhin mo lang na hindi ka mapapahamak sa ginagawa mo dahil sisisihin ko ang sarili ko kapag nagkataon dahil pinayagan kita," palatak ni Manang Cresencia. "Opo, manang, I just want to know the truth," aniya sa kawalan. "Sana nga mahanap mo ang kasagutan sa mga tanong mo sa isipan. O, siya, maghanda ka na at sasabihan ko sa Pacio na ihatid ka," ani Manang Cresencia dahilan upang mayakap ito. Ito na kasi ang nagsilbing pangalawang ina nang mawala ang kanyang mama. "Naku, naglambing pa ang batang ito," nakangiting saad nito. "Hindi ko pa nga alam kung papaano ako nagdadahilan sa papa mo kapag nagtanong ito," hirit nito. "Alam kong kaya mo 'yan manang, anong silbi ng best actress mo sa teather noong araw," aniya rito. Napangiti ito, nakuwento kasi ito noon na star actress siya sa teatro nila noong high school siya. "Naku, nambola ka pang bata ka, o, siya mag-ayos ka na at titingnan ko si Pacio upang maihatid ka na bago pa magising ang iyong ama at kapatid," palatak ni Manang Cresencia. Dali-dali namang pumanhik si Tyreen at inayos ang gamit dahil babalik na naman siya sa mundo ng mga Caballero.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD