Chapter 14: Nabisto Sa Sariling Bibig

1692 Words
Nanginginig pa ang kamay na kumatok sa pinto ng silid ng kanilang Senyorito Perry. "Senyorito, pinapatawag po kayo ni senyora," malakas na turan ni Tyreen matapos ang malakas niyang katok. Walang tugon mula sa loob kaya humugot siya ng malalim na buntong-hininga. "Senyorito!" malakas pa ring tinig sa labas ng pinto. Wala pa ring tugon mula sa loob kaya naisip na baka napasarap ang ligo nito kaya naglakas loob na siyang pihitin ang seradura tutal ay hindi niya 'yon ini-lock paglabas niya kanina. oxer Agad namang bumukas ang pinto at nakitang tulog na tulog pala ang senyorito nila sa kama nito. Napamaywang na lamang si Tyreen habang nakatunghay sa hubad-baro na lalaki at tanging naka-boxer lamang ito na natutulog. 'Ay pagod pala dahil malamang pinagod ng katagpo niya sa talon,' inis na turan sa isipan ni Tyreen. Lumapit siya sa may ulunan ng lalaking tulog na tulog at pinagmasdan ito. Well, hindi naman niya masisisi ang mga babae na mahimaling dito dahil guwapo naman talaga ito. Narinig niya ang bahagyang paghilik nito. "Pagod talaga," turan sa kawalan. Hindi malaman kung papaano ito gigisingin nang maulinigan ang yabag na papalapit sa kinaroroonang silid. Hindi naman nagtagal ay sumungaw mula sa nakabukas na pinto si Manang Ingga na sumunod pala sa kanya. "Mabuti na lang at sumunod ako, kaya pala medyo natagalan ka kasi tulog na tulog itong hudyo na ito," bulalas ni Manang Ingga sabay tapik sa balikat ni Senyorito Perry. "Senyorito!" turan niya ngunit mukhang malalim ang pagkakatulog ng lalaki. "Senyorito," ulit niya ulit rito kasunod nang mas malakas nitong pagtapik sa balikat ng tulog na lalaki. Nagulat namang napadilat ng mata si Perry nang maramdaman ang pagtapik sa kanyang balikat. Pagmulat ng mata ay nakita ang magandang mukha ni Marga, akala niya tuloy ay nananaginip siya. "M-Marga," usal niya. Maya-maya ay tinampal siya ng kamay mulabsa kanyang gilid at mabilis na binaling ang tingin. Naroroon din pala si Manang Ingga at siya ang gumising sa kanya. "Naku, gumising ka riyan at nasa sala ang mama mo, kanina ka pa niya hinahanap kaya puntahan mo na," ani Manang Ingga. "Manang naman, e, ang sarap kaya ng tulog ko," tila batang maktol ni Perry sa dating yaya. "Anong manang naman, e, naku, galit na galit ang mama mo dahil may nagsumbong sa kanya na may kinatagpo ka na naman sa kagubatan," bulalas ng matanda na kinatayo agad ni Perry. "Ano?!" bulalas nito saka mabilis na bumaling kay Marga. Napataas na lamang ang kilay si Tyreen nang balingan siya ng lalaki. "Oo, kaya ayon galit na galit ang mama mo nasa sala siya ngayon at pinapatawag ka rito kay Marga pero mukhang hindi ka niya magising mainam na lamang at sumunod ako!" mariing wika ni Manang Ingga. "Sino namang herodes ang nagsumbong? Grabe naman ang tsismis dito sa liblib na bayang ito!" palatak ni Perry. "Naku, sinabi mo pa kaya dapat nag-iingat ka sa bawat galaw kasi may mga mata ang tsismis," saad nitong si Manang Ingga sa alaga. "Bakit itong si Marga, wala man lang kaalam-alam," baling nito kay Tyreen na kinakunot naman ng noo ng babae. 'Aba, dinamay mo pa akong herodes ka!' bulalas sa isipan ni Tyreen nang marinig ang pangalang binanggit ng lalaki. "Kasi hindi siya tsismosa," sagot ni Manang Ingga dahilan upang mabilis na nag-thumbs up si Tyreen sa matanda saka ngumisi sa among lalaki. "O, siya, bilisan mo riyan at baka mamaya ay hindi ka na niya mahintay sa sala at sumunod rito," apura ni Manang Ingga sa lalaki saka naglakad patuungo sa may pinto. Nang mapansin nitong hindi siya sumunod at mabilis na bumaling sa kanya. "Hindi ka ba susunod?" maang na untag kay Tyreen. "Susunod po," mabilis na saad at sumunod nga rito. Pagbalik nila sa sala ay nakitang mataman pa ring naghihintay ang senyora sa kanila. "Pasensiya ka na senyora at mukhang nahirapan itong si Marga na gisingin si Senyorito Perry, napagod yata," ani Manang Ingga. "Hay naku, hindi ko na alam ang gagawin ko sa batang 'yan, nag-iisa naming anak pero hindi man kami magawang tulungan sa negosyo kaya sa politika na lamang siya para kahit papaano ay ma-expose naman siya sa responsibilidad!" matiim na turan ng senyora. Hindi naman nagtagal ay bumaba na rin si Senyorito Perry. "What is this mama?" kalmadong usisa sa ina. "Wait, let me guess, may nagtsismis sa 'yo na may katagpo ako kanina sa kagubatan? My God, mama, naniniwala pa rin kayo sa mga ganyan?" hirit ni Perry sa ina. "Oo dahil may katotohanan at hindi lanang isang tsismis ang nakarating sa 'kin. Tell me, hindi ba nakipagkita ka sa anak ni Lumen na si Lourdes?" deretsahang wika ng ina. Napakunot-noo si Perry, mukhang may nakakita nga sa kanila sa may talon ni Lourdes. "My God, Perry, ang bata ni Lourdes, sixteen or seventeen pero pinatulan mo," palatak ng ina. "Hindi na siya birhen kaya—" putol na wika ni Perry nang maalalang naroroon sina Manang Ingga at Marga. "My God, hindi na inosente kaya pwede nang gamitin, ganoon? Sinira mo lang ang buhay ng bata, look? Makakapagpatuloy pa ba siya sa pag-aaral kung wala nang trabaho sa bukid ang magulang niya?" bulalas ni Senyora Franceska. "Anong ibig mong sabihin, mama?" maang na usisa ni Perry sa ina. Medyo nag-alala rin siya dahil gusto rin naman niyang bumuti ang buhay pamilya nina Lourdes kapag nakapagtapos ito ng pag-aaral. "Tinanggalan ko na sila ng lupang sasakahin dahil sa kagagawan mo!" bulalas ni Senyora Franceska. "Ano?! Mama naman bakit mo ginawa 'yon?" bulalas ni Perry. "Wala kaming relasyon ni Lourdes, at lalong hindi kami nagtagpo sa gubat dahil aksidente ang pagkikita namin roon. She was broken hearted kaya inalo ko lang kasi gusto niyang magpakamatay," kuwento sa ina na mukhang tila naniniwala naman sa kanya. Partly ay tama naman ang kanyang kuwento sa ina. "Next time you better watch your action dahil maraming mata sa paligid lalo na at ayaw kong madungisan ang pangalan mo sa publiko. You need to be the next mayor of this town!" giit ng ina. "Ibabalik mo ba ang lupa kina Manang Lumen?" untag sa ina. Umiling ito, nasabi ko na ang dapat kong sabihin sa kanila. It's done, nangyar na, I will go there and ask for forgiveness sa mga nasabi ko," mataray na wika ni Senyora Franceska. Napapailing na lamang si Tyreen sa naririnig na usapan ng mag-ina. "Mabuti pa siguro ay tulungan mo na muna si Elsa sa likod bahay," bulong ni Manang Ingga nang mapansing nakikinig siya sa usapan ng mag-ina. Walang nagawa si Tyreen kundi ang sumunod sa sinabi ni Manang Ingga para hindi makahalata na nakikinig nga siya sa usapan ng mga ito. *** Samantala, sinadya na talaga ni Mauricio ang bunsong anak sa Rancho Iluminada dahil nagtataka na talaga siya sa tuwing tatawag roon ay wala ang anak. Idagdag pa ang nakakadudang kilos nito mula nang dumating haling Amerika. "Senyor Mauricio, napadalaw po kayo?" tila gulat na wika ng katiwala nilang si Manang Cresencia. "Ang Senyorita Tyreen mo nasaan?" agad na tanong sa anak. Napansin ang pagyuko ng kasambahay. "Senyor, uhmmm w-wala po si senyorita rito," turan nito. "Nasaan siya, huwag mong sabihing natungo na naman sa kagubatan?" palatak ni Mauricio sa kasambahay na laging nakakausap sa telepono. "Naku, hindi po senyor, nagtungo po sa bayan si senyorita, m-may kakatagpuin po yata," saad ng kasambahay na medyo natataranta pa dahil hindi sanay magsinungaling. "Ganoon ba? Mabuti naman kung ganoon at hindi lang nito binuburo rito ang ganda niya," palatak ng senyor na kahit papaano ay kinahinga naman ni Cresencia nang maluwag. " Senyor, lalagi po ba kayo rito upang maayos ko po ang inyong silid?" usisa nang mapansin ang maliit nitong bag na dala. "Oo, paayos mo ang silid ko, dito muna ako ng dalawang araw," anang ni Mauricio. Napalunok ng sunod-sunod si Cresencia, naisip na kailangan niyang matawagan ang kanyang Senyorita Tyreen upang malaman ang pagdating doon ng kanyang ama. "Sige, senyor, aayusin ko muna ang inyong silid para makapagpahinga kayo," aniya sa amo. "Ipagtimpla mo muna ako ng kape, si Pacio, naririyan ba?" usisa nito sa asawa ng kasambahay na siyang katiwala naman sa kanilang bukid " Naku, senyor kaaalis lang niya dahil kasalukuyan po ang anihan ngayon ng palay," bigay-alam sa amo. " Ganoon ba, siguro ay huwag mo na muna akong timplahan ng kape, sasaglit ako sa bukid," ani Mauricio. " Sige po, senyor," ani Cresencia. Pinagmasdan pa niyang bumalik sa sasakyan nito ang kanyang amo at nang makaalis ito ay mabilis na tinawagan si Tyreen. *** Sakto namang patungo sa silid nila si Tyreen upang kunin ang pinapakuha ni Manang Ingga nang marinig ang tunog ng cell phone na nasa ilalim pa ng kanyang unan. Napakunot-noo siya dahil wala naman siyang inaasahang tatawag sa kundi ang Tito John niya, ang ama o kapatid at ang katiwala sa rancho na si Manang Cresencia. Mabilis ja kinuha 'yon at galing sa katiwalang matanda. "Hello, manang may problema ba?" agad na usisa rito. "Senyorita, may problema po tayo, nandito po si Senyor Mauricio," turan ng kasambahay. "Ano?" gulat na tugon sa matanda. " Teka, ano raw ginagawa diyan?" usisa pa. "Hindi ko po alam, senyorita, bigla na lang po siyang sumulpot. Nagtungo po siya sa bukid ngayon," anang ni Cresencia. Nasapo na lamang ni Tyreen ang ulo dahil hindi alam kung ano ang gagawin, kung papaano siya makakatakas sa bahay ng mga Caballero. "Ilang araw daw siya diyan?" usisa pa. "Sabi po ay dalawang araw," tugon ni Cresencia dahilan upang lalong kabahan si Tyreen. Hinilot-hilot ang sentido dahil na-stress siya sa pagdating ng ama sa kanilang rancho. "Tinanong ba kung nasaan ako?" usisa pa sa katiwala. "Oo, ikaw ang una niyang hinanap. Sabi ko lang na nagtungo kayo sa bayan at may katagpo. Mukhang ayos naman siya dahil hindi mo raw binuburo rito ang ganda mo," palatak na sagot ni Manang Cresencia na kahit papaano ay nagpapanatag sa kanya. Hilot-hilot ang sentido habang nakalagay ang cell phone sa tainga nang maulinigan ang tinig ni Manang Ingga. "May problema ba?" tanong nito na sumunod pala nang hindi siya mahintay nito. Mabilis na napaisip si Tyreen. Kailangan niya yatang mag-drama para makauwi pansamantala sa kanila mamayang hapon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD