Nagulat si Perry nang pumasok sa silid ay nadatnan si Diana. "Diana?!" bulalas sa gulat. Isang mapang-akit na ngiti ang nakapaskil sa labi nito. "Hello, Senyorito Perry, miss me?" sabay kindat ni Diana sa kanya. "Wait, paano ka nakapasok?" bulalas na tanong kay Diana. Lalong tumamis ang ngiti nito. "Dumaan ako sa kagubatan sa likod ng bodega, hinintay kong makaalis si Manang Ingga at ang bago ninyong katulong bago ako pumasok. Abala naman ang isa sa may laundry area na naglalaba kaya hindi niya ako napansin," kuwento ni Diana kung paano ito nakapasok sa kanilang bahay. Tumayo ito sa pagkakaupo sa kanyang kama at seksi na lumapit sa kanya ang babae. "Hindi mo ba ako na-miss?" usisa sabay sukbit ang mga braso sa kanyang leeg. Walang nagawa si Perry lalo na nang halikan siya ng babae