Lalong naging mapangahas si Perry at mabilis na binuhat ang babae saka sila nagpatihulog sa malinis na tubig ng sapa sa ibaba ng talon.
"Ay!" malakas na tili ni Lourdes sa ginawang 'yon ni Perry.
Malamig ang tubig kaya napayakap ang babae kay Perry, muli ay naging maalab ang halik na iginawad ni Perry sa babae dahilan upang muling mag-init ang kanilang mga katawan.
"Hindi ko alam na ganyan ka pala kainit, senyorito?" anang ni Lourdes.
"Ikaw nga rin, hindi ko alam na malibog ka rin pala," bulalas na tugon ni Perry sa babae. "Para kasing ang hinhin at mahiyain ka noong nakita kita sa bukid," hirit pa ni Perry.
Napangiti ang babae.
"Paano kasi ay napaka-intimidating mo, akala ko ay hindi ka napatol sa tulad kong mahirap," wika ni Lourdes.
Napangiti lang si Perry saka muling sinibasib ang labi ng babae na nakapulupot ang mga braso sa kanyang leeg.
Sa malinaw na tubig ng sapa ay nagawa rin nilang mag-s*x, hot na hot si Lourdes na handang magpaubaya sa kanya ng paulit-ulit. Tuwang-tuwa na lamang si Perry dahil hindi siya nahirapang kunin ang babae.
Lalong naging mapusok pa ang dalawa habang nakatampisaw sa tubig, nakayakap at sa ilalim ng malinaw na tubig ay magkadikit ang kanyang katawan.
"Hindi mapigilang ungol ni Lourdes habang pilit na isinasagad ni Perry ang kanyang p*********i sa kaloob-looban nito. Hindi naman nagtagal ay tuluyang nakaraos si Perry at narating ang panandaliang langit sa piling ng babae.
"Oh, ang sarap," anang ni Perry saka ngumiti kay Lourdes. "Salamat at pinaligaya mo ako ng husto," pasalamat sa babae.
" Salamat rin dahil kahit papaano ay naisip kong hindi kawalan ang Gian na 'yon," busangot na wika ng babae.
Napatawa si Perry.
"Tama 'yan, hindi kawalan ang lalaking 'yon, maraming lalaki diyan," segunda ni Perry na joon ay umahon na upang makauwi na.
Nakabalik na si Perry sa ibabaw ng malaking bato at sinimulang isuot ang kanyang saplot.
"Huwag kang masyadong mag-focus sa lalaking 'yon, isipin mong nagpapakahirap ang mga magulang mo upang pag-aralin ka kaya dapat ay magtapos ka," payo ni Perry sa babae na mukhang natauhan naman nang banggitin ang sakripisyo ng mga magulang niya mapag-aral lamang siya.
Napatungo na lamang si Lourdes nang marinig ang sinabi ni Perry sa kanya.
"Perry," habol na tawag sa lalaki.
Ngumiti ito. "Lilinawin ko lang, ang nangyari sa 'tin is purely lust. Ginamit mo ako para matauhan ka sa Gian na 'yon at ginamit lang kita upang mapunan ang pangangailangang pisikal ko. Ayaw ko ng kumplikasyon sa relasyon, kung gusto mo ng purely s*x relationship ay handa ako. We can meet here sa tuwing weekend," palatak mi Perry saka tinalikuran si Lourdes.
Nasa mukha nito na gusto pa siyang habulin pero nanatili ito sa kanyang kinaroroonan.
Naisip ni Perry na mainam na rin 'yon upang malinawan ang babae dahil baka mag-expect pa na may pag-asang magustuhan ito dahil sa nagka-s*x na sila.
***
Agad na nakarating sa kaalaman ni Senyora Franceska ang hinggil sa nangyari kina Perry at Lourdes sa may talon bagay na ginawan na naman ni Senyora Franceska.
Agad na nagtungo sa bahay ng mga Bonifacio at doon ay hinarap ng mga magulang ni Lourdes ito.
Nagkaroon ang bagong pag-asa sa dibdib ng dalagang si Lourdes dahil sa nangyari sa kanila ng kanilang Senyorito Perry, pakiramdan niya sa sandaling 'yon na may pag-asa pang mahalin siya ng isang lalaking tulad nito.
Masigla siyang pumasok sa kanilang bahay nang magulat sa kanyang nadatnan sa kanilang sala, si Senyora Franceska habang kausap ang mga magulang.
"Nandito na pala ang anak ninyo," puna ng senyora nang makita siya.
"S-Senyora, n-napadalaw p-po k-kayo?" nauutal na wika. Tila napalitan ng kaba ang sayang naramdaman kanina ng dalaga.
"Nasabi ko na sa magulang mo ang dapat kong sabihin at sila na ang magpapaliwanag sa 'yo, sana lang ay nagkakaintindihan kami," matigas at seryosong tinig ng senyora dahilan upang mapalunok na lamang si Lourdes lalo na at kita ang nag-aapoy na galit sa mata ng kanyang ama.
Tumayo na ang senyora upang umalis pero tila nakadikit ang mga paa ni Lourdes sa sementong kinatatayuan at hindi magawang tumabi upang bigyan daan ang senyora.
Tinitigan siya nito ng matiim na tila ba inuuri.
Nang tuluyang makaalis ang senyora ay lumapit si Lourdes sa mga magulang upang alamin kung ano ang pakay ng senyora nang sagutin siya ng ama ng isang malakas na sampal.
Parang nabingi siya sa lakas noon at namanhid ang katawan.
"Walang hiya kang bata ka, malandi! Pinaghihirapan namin ng nanay mo na pag-aralin ka tapos makikipaglandian ka pa at sa may talon pa talaga! Sa lugar kung saan may nakakita pa sa inyo ni Senyorito Perry na nagtatalik, hayop ka, hindi mo man lang kami binigyan ng kahihiyan ng mama mo!" galit na galit na turan ng ama.
Natigilan si Lourdes. Marahil ay may nakakita sa kanila ni Perry kanina at nagsumbong agad kay Senyora Franceska.
Muli ay sinampal siya ng ama.
"Hindi mo na kami binigyan ng kahihiyan! Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kapag kumalat ang tsismis!" asik pa ng ama.
"Delfin, huminahon ka," awat ng ina sa kanyang ama.
"Paano ako hihinahon, Lumen, hindi na tayo binigyan ng kahihiyaan ng batang ito. Ginawa naman natin ang makakaya natin upang ibigay ang lahat sa kanya kahit hirap na hirap tayo tapos ganito ang igaganti niya. Talipandas na babae, alam mo bang mula sa araw na ito ay wala na kaming sasakaing bukid dahil sa kagagawan mo!" turan pa ng ama. "Ikaw rin naman ang may kagagawan nito kaya pasensiyahan tayo kaya titigil ka na sa pag-aaral," anang pa ng ama.
"P-Po?" bulalas ni Lourdes.
"Wala na kaming trabaho ng nanay mo, saan kami kukuha ng pang-allowance mo. Ginawa mo ito kaya nagdusa ka!" anang ng ama saka siya nito iniwan. "Aalis na muna ako, Lumen dahil baka magdilim ang paningin ko at mabugbog ko ang anak mo," bulalas na parinig ng ama saka ito lumabas ng kanilang bahay.
Naiwang natitigilan si Lourdes dahil tila sasabog ang dibdib sa dami ng problema niya, una ay dahil sa kasintahang si Gian, pangala, ang galit ng magulang, tatlo, ang pagtigil sa pag-aaral at huli ay ang tsismis na haharapin sa kanila.
"Bakit mo naman nagawa 'yon anak, alam mo naman dito sa 'tin, liblib pero puno ng tsismosa," palatak ng kanyang ina.
"Nanay, patawarin niyo ako kung nawalan kayo ng trabaho dahil sa 'kin. Hindi ko po napigilan ang sarili ko kanina, sinamantala ni Senyorito Perry ang kahinaan ko," nalilitong saad na ni Lourdes sa ina.
"Anong ibig mong sabihin, anak?" maang na usisa ng kanyang ina.
"Nanay," anito na umiyak na. "Iniwan kasi ako ng kasintahan kong si Gian, nagtungo ako sa talon upang doon isigaw ang lahat ng damdamin ko. Dumating si senyorito at pinayapa niya ako hanggang sa unti-unti niya akong hinalikan. Masyadong magulo ang damdamin at isipan ko kaya tinanggap ko ang halik niya," iyak na kuwento ni Lourdes sa ina.
"Naiintindihan kita anak dahil talagang kapanga-pangarap na lalaki si Senyorito Perry pero sana inisip mo kami ng tatay mo. Saan tayo pupulutin nito ngayon, alam mo namang walang ibang trabaho rito kundi sa sakahan at tubuhan ng mga Caballero," anang ng ina.
Napahagulgol na lamang si Lourdes. Hindi nagtagal ay tumigil ito saka tumingin ng matiim sa ina.
"Tutal ay hindi naman na ako magpapatuloy sa pag-aaral, nanay, luluwas ako ng Manila upang maghanap ng trabaho roon," matapang na wika ni Lourdes.
"Manila? Baka mas lalo kang mapahamak roon? May kakilala ka ba roon?" untag ng ina.
"Naroroon si Ate jinky," tukoy sa isa sa kanyang pinsan.
"Pero anak, kaya mo bang makipagsabayan sa Manila, balita ko ay delikado roon?" anang pa ng ina.
"Lahat ng lugar delikado, nanay, lalo na kung may mga taong mapagsamantala," ani Lourdes na determinado na sa kanyang balakin na pagtungo sa Manila.
***
Hindi mapuknat ang ngiti sa labi ni Perry pagdating sa kanilang mansyon.
"Si mama?" agad na usisa kay Manang Ingga na nasa sala.
"Umalis siya senyorito," tugon ng matandang kasambahay.
"Saan daw po nagpunta?" usisa pa rito.
"Baka sa bukid, dumating kasi si Mang Fernando kanina, may sinabi kay senyora at dali-dali naman itong umalis," bigay-alam ng kasambahay na kinakunot ng noo ni Perry.
Ang lalaking binanggit ni Manang Ingga ay isa sa trabahador nila sa bukid.
"May problema kaya sa bukid?" anang sa isipan na nanulas pala sa kanyang bibig.
"Siguro, kasi seryoso ang mukha ng mama mo nang umalis siya," hirit pa ni Manang Ingga.
Agad na nagtungo si Perry sa kanyang silid nang mapagbuksan ang magandang binibini na naglilinis sa kanyang silid. Masyadong abala ang babae kaya hindi nito napansin ang pagdating niya.
Humalukipkip siya habang pinapanuod ang bawat galaw nito hanggang sa hindi nagtagal ay naramdaman nito ang kanyang presensiya.
"Ay, bakulaw!" tili nito sa sobrang gulat. "S-Senyorito, nandiyan na pala kayo," palatak ni Tyreen sa pagkagulat nang malingunan si Perry na nakahalukipkip na nanunuod sa kanya.
"Yup, masyado kang focus sa work mo kaya hindi mo napapansin ang kaguwapuhan ko," natatawang biro ni Perry.
Nagsalubong ang kilay ni Tyreen imbes na matawa sa biro ng amo.
"Ha? Ano 'yon, senyorito, may sinabi ka ba?" palatak kuno ni Tyreen na tila hindi narinig ang biro ng amo.
"Wala sabi ko, masyado kang focus sa work mo kaya hindi mo napansin ang pagdating ko," bulalas na ulit ni Perry.
Lihim tuloy na napangisi si Tyreen.
'Guwapo daw? Babaero naman, hmmp!' gigil sa isipan.