Sebastian POV. Hindi agad nakapagsalita si Alexandrea matapos kong sabihin ang plano ko. Kitang-kita ko ang pagkalito, pag-asa, at takot na sabay-sabay na naglalaro sa kanyang mga mata. Kung tutuusin, normal lang iyon. Buong buhay niya ay pinaniwala siyang patay na ang kanyang ama. Pagkatapos, ngayon ay sasabihin ko sa kanya na may posibilidad na buhay ito at matagal nang ikinukulong sa isang lihim na silid. Kahit sino ay mahihirapang tanggapin ang ganoong katotohanan. "Seb..." mahina niyang tawag. Tiningnan ko siya. Nais kong masiguro kung gusto talaga niyang makita ang kanyang ama. "Sigurado ka ba na siya ang aking ama?" Huminga ako nang malalim bago tumango. "Hindi pa sapat ang nakita ko para sabihin na isang daang porsyento akong sigurado." Nakita kong bahagya siyang napayu

