Alexandrea POV. Hindi ko maintindihan si Sebastian. Napakabilis ng pagbabago niya. Pagkatapos ng nangyari sa amin, bigla na lamang siyang umalis. Iniwan niya ako rito sa hotel na parang walang nangyari. Ayaw kong umiyak, ngunit kusang pumapatak ang aking mga luha. Nasasaktan ako sa naging trato niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang ginawa kong mali upang bigla siyang magbago. Dahan-dahan akong umupo sa kama at niyakap ang sarili. Tahimik ang buong silid. Kanina lamang, magkasama kami rito. Magkahawak-kamay. Magkatabing nakahiga. At pakiramdam ko, walang kahit anong problema ang kayang sumira sa sandaling iyon. Ngunit ngayon... Mag-isa na lang ako. Parang panaginip lang ang lahat. Napasinghap ako habang pinupunasan ang mga luha ko. Marahil ay tama si Sebastian. Nagkamali a

