Sebastian POV. Tatlong araw na akong nakatambay sa higaan. At sa mga araw na puro gamot, benda, at sermon ni Mama Emz ang kasama ko. Inip na inip siya at isang tao lang ang gusto kong makita. Si Alexandrea. Kanina pa ako nakatingin sa orasan na nasa dingding. Paulit-ulit. Bawat limang minuto yata ay napapatanong ako kung anong oras na. Ngunit hanggang ngayon, wala pa rin siya. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko kaya tinawagan ko ang mga taong lihim na nagbabantay sa kanya. "Nasa sasakyan na po si Chairwoman. Papunta na sa inyo." Agad akong nabuhayan. Parang biglang nawala ang kalahati ng sakit sa katawan ko. Pagkababa ng tawag ay dumiretso agad ako sa banyo. Kahit masakit ang mga sugat ko. At halos mapangiwi ako sa bawat galaw. Tiniis ko. Ayokong humarap kay Alexandrea na

