Alexandrea POV. Mula nang gabing iyon… nang tuluyan kong malaman ang katotohanan tungkol kay Damian at sa mama ko... May isang bagay na tuluyan nang nagbago sa buhay ko. At alam kong hindi na iyon kailanman maibabalik pa sa dati. Hindi ko na kinakausap si Mama, kahit sulyap hindi ko na rin magawang ibigay sa kanya. Lalong higit ayaw ko ng marinig ang boses niya. Dahil pakiramdam ko, wala nang saysay na magkaroon pa kami ng koneksyon sa isa’t-isa. Nasabi na niya ang dapat sabihin. At nakita ko na rin ang katotohanang matagal niyang itinago sa akin. Sa unang pagkakataon sa buong buhay ko… pinili kong ilayo ang sarili sa kanya. Ginawa kong manhid ang sarili ko. At ginusto kong protektahan ang sarili ko. At marahil iyon ang pinakamasakit na desisyon ginawa ko bilang anak. Dahil lumaki

