Alexandrea POV. "Sebastian!" Napasigaw ako. Parang tumigil ang mundo ko sa mismong sandaling iyon. Unti-unting napaluhod si Sebastian. Isang kamay ang agad niyang ipinatong sa tagiliran niya. At nang alisin niya iyon... Doon ko nakita ang dugo. Maraming dugo. "Mama!" Hindi ako makapaniwala. Nanginginig akong napatingin sa hawak niyang silencer gun. Nanlalamig ang buong katawan ko. Hindi ko matanggap ang nakikita ng mga mata ko. Si Mama. Ang sarili kong ina. Binaril niya si Sebastian. "Ano'ng ginawa mo?!" Humakbang ako patungo kay Sebastian. Ngunit mabilis akong hinarangan ng ilan sa mga armadong lalaki sa paligid. Kasabay noon ay sumigaw si Papa. "Victoria!" Galit na galit ang kanyang boses. Sa unang beses ay nakita kong nawalan ng kontrol ang aking ama. "Nasiraan k

