Alexandrea POV. Abala ako sa pagrepaso ng mga dokumento nang marinig ko ang mahinang katok sa pinto ng opisina. “Come in.” Pumasok ang sekretarya ko na may hawak na makapal na brown envelope. Agad kong napansin ang kakaibang ekspresyon sa mukha nito. Parang hindi sigurado kung dapat ba niya iyong ibigay sa akin. “Chairwoman...” Napatingin ako sa kanya. “Yes?” “May ipinadala po para sa inyo.” Bahagya akong napakunot-noo. “Mula kanino?” Nag-alangan siyang sumagot. At doon pa lang ay nakaramdam na ako ng kakaibang kaba. “Kay Mr. Sebastian po.” Biglang huminto ang kamay ko sa paggalaw. At parang may kung anong kumabog sa dibdib ko. “Sebastian?” Tumango ang sekretarya. “Personal niyang iniabot sa akin kanina. Sinabi niyang ibigay ko raw ito sa inyo.” Mabilis akong tumayo at naglak

