Sebastian POV. Paglabas namin ng supermarket ay agad kong nakita ang isang eksenang lalong nagpasama ng timpla ko. Nakatayo si Vanessa sa tabi ng sasakyan ko. At mas lalong nakakainis, pilit niyang kinakatok ang mama ko sa loob. Paulit-ulit din niyang sinusubukang pabuksan ang pinto. Parang wala siyang pakialam na ilang beses ko na siyang pinagsabihan noon. "Vanessa!" Mariin ang pagkakasigaw ko. Agad siyang napalingon. Ngunit sa halip na mahiya ay ngumiti pa siya at lumapit sa akin. Ngunit agad niyang napansin si Alexandrea sa tabi ko. At doon tuluyang nagbago ang ekspresyon niya. Nawala ang ngiti at tumigas ang mukha sa galit. "Ano na naman ang ginagawa niya rito?" paninita niya habang nakatingin ng masama. Bago pa man makasagot si Alexandrea ay mabilis na lumapit si Vanessa. At

