"Don't be sad, mommy," pag-aalo sa akin ni Myrrh. Nalulungkot ako kasi hindi ako nakapunta sa kaniyang dance recital. Maselan ang pagbubuntis ko kaya hindi ako puwedeng bumiyahe na. Apat na araw na lang at schedule ko na para sa aking C-section. "But mommy wants to be there." Hindi talaga ako maka-get over. Pinanood ko ang video na kinuha ni Fourth at hindi ko maiwasang maiyak. I am so emotional again. Napakagaling niya sa performance niya. I'm so proud of my daughter. "I'll perform in front of you, don't cry, mommy." Nandito ngayon sa bahay ang buong pamilya namin ni Fourth, dahil nag-celebrate kami para kay Myrrh. Nasanay ako na lagi akong nandiyan kay Myrrh mula nang ipanganak ko siya, dahil ako lang mag-isa ang nagpalaki sa kaniya, kaya naman ganito na lang ako ka-emosyonal n

