UMALIS NA SI FOURTH. At naiwan naman akong tulala habang kanina pa ako paulit-ulit na tinatanong ni Myrrh. "Mommy, who is he?" Hindi ko magawang sagutin ang tanong ng aking anak. "Mommy." "Get inside your room, Myrrh. We'll talk later." Pinilit kong tapusin ang ginagawa ko kanina, pero dahil para akong wala sa sarili inabot na ako ng hapon dahil makailang beses akong pumalpak. Gabi na at nakatulog na din si Myrrh, mabuti na lang at hindi na niya ulit ako tinanong patungkol kay Fourth. Matutulog na din sana ako nang makatanggap ako ng tawag mula kay Kuya. Kinakabahan ako nang sagutin ito. "Kuya." "You have a daughter, Almira?" Sinalakay ng kaba ang aking dibdib. Sabi na nga ba at magsasabi si Fourth sa kanila. "You didn't tell us about her..." "K-Kuya." I heard him si

