Nauna nang magpunta ng Europe ang mga magulang namin ni Fourth kasama ang aming mga anak. Mahuhuli kami ng isang araw dahil may importanteng meeting pa si Fourth na kailangang daluhan. At ako naman ay may mga kailangang tapusin na paper works. Sina Cecilia ay susunod din in three days kasabay sina Kuya Alwin at Pauline na mayroon ding kailangang mga tapusin na trabaho. Pagkatapos ng kasal, walang honeymoon na naganap. As in wala munang sexy time dahil sobrang dami talaga naming kailangang asikasuhin muna. Pagod na kami kaya natutulog na lang kami. Sa Europe na lang namin ibubuhos ang lahat. Saktong malamig doon, masarap magpainit. "Aray!" reklamo ko nang hilain ni Kane ang dulo ng buhok ko. Kanina pa pala ako pinagmamasdan ng lalakeng 'to. "Nasa trabaho ka, pero ang isip mo nas

