CHAPTER 01: Lips and Fire
Silver
Simula noong makilala ko siya ay pinangarap ko nang makita siyang suot ang isang napakaganda at eleganteng wedding gown. At ngayon ay nagkatotoo na ito.
She has no idea how stunning she looks right now as she walks down the white aisle.
To me, she's always been a princess... But today, she's a queen.
Napakaganda ng kanyang ngiti. Kumikinang ang kanyang mga mata sa walang kapantay na kaligayahan, at tila hindi na siya makapaghintay pa na makarating dito sa altar.
I used to dream about growing old with her ... and about seeing her as the mother of my children, sharing the little things—meals, errands, walks, quiet nights. I pictured myself holding her from behind, kissing her cheeks, her forehead, her lips—again and again, just because I could.
Ipaparamdam ko lagi sa kanya kung gaano ko siya ka-mahal. Pagmamahal na hindi matutumbasan ng kahit anong bagay dito sa mundo.
Nagtagpo ang aming mga mata. Napansin ko ang pangingilid ng mga luha niya, hanggang sa isa-isa na silang pumatak sa pisngi niya.
Binigyan ko rin siya ng isang matamis na ngiti, at hindi ko rin napigilang maluha.
She kept walking until she reached me, so close, and yet never mine.
I love her with everything I have, and maybe I'll never feel this way about anyone again. Masaya ako para sa kanya, pero hindi para sa puso kong nadurog ng pinong-pino dahil hindi ako ang pinalad na mahalin niya.
Tuluyan na niya akong nilampasan at wala akong nagawa kundi ang tahimik na lamang siyang tanawin habang lumalapit na sa maswerteng lalaking umangkin sa puso niya. Ang isa sa mga kaibigan ko at itinuring ko na ring parang kapatid, si Geoffrey Fairford.
Hiling ko ay alagaan mo siya at pakamahalin, na higit pa sa pagmamahal na iniukol ko sa kanya.
Napahinga ako ng malalim. I couldn't stay a second longer. I stepped out of the church, leaving behind the vows, the flowers, and the sound of her voice... Seeing her belong to someone else shattered the last piece of me.
I was trained to be a fearless undercover agent—bring whatever challenge you have to me. But when it comes to her, I'm weaker than I ever imagined.
No mission, no danger, no enemy could break me like this.
She's the one battle I'm losing without a fight.
Kung hindi ko ilalayo ang sarili ko, baka makalimutan ko na kung paano pa ang huminga.
***
Natagpuan ko ang sarili ko sa isang bar.
Maingay, puno ng tao, at sagana sa alak. Ito lang ang gusto ko. Baka sakaling makalimutan ko ang lahat.
"Give me your best shot," I said to the male bartender who was busy mixing wine behind the bar counter.
"How about a Jack and Coke, Sir? It's Jack Daniels with just enough Coke to give you a crisp, bittersweet drink that might even add some bass to your voice."
"Nah, I'm not into that. Give me your strongest stuff."
Napansin ko ang paghinto niya at pagtitig sa 'kin. "That would be Spirytus Vodka, Sir. It's 192 proof, 96% ABV. Just a heads-up—it's not safe to drive after this one."
Hindi ko na mapigilang mainis. "Just give it to me, okay? Ang dami pang daldal."
Napakamot siya sa ulo niya. "Sure thing, Sir. Coming right up."
Hindi rin naman nagtagal ay kaagad na niya akong inabutan ng isang shot glass ng alak. I immediately drank it.
And he was right—the burn was intense. Humagod sa lalamunan ko ang init ng alak, na para bang sinusunog ang bawat ugat ko sa katawan. Dahan-dahan kong naramdaman ang init na kumakalat mula sa dibdib ko hanggang sa bawat daliri ng mga kamay ko.
Isang shot pa lang, pero halos mahilo na ako, lalo na't nakailang bote na rin ako ng beer kanina bago kami nagtungo sa simbahan.
"Sinasabi ko na nga ba, dito na naman kita mahahanap, eh."
Napalingon akong bigla sa lalaking umupo sa tabi ko. It was Aegia, one of my friends and fellow agents from our team.
Alam ko namang susunod siya dahil gawain na niya 'yan. We'd been working together for five years, like family, always having each other's backs.
But right now, I just wanted to be alone. I didn't want anyone around.
"Gusto mo na ba talagang patayin ang sarili mo?" he asked, eyes fixed on me, voice low and serious.
There he goes again, always with the nagging. Dinaig pa niya ang babaeng putak nang putak.
"Umalis ka na nga. Iwan mo muna 'ko," I told him sharply.
"Talagang aalis ako. Nakakasawa ka na pagsabihan."
"I don't f*****g need you either." Mas lalo pa akong nakaramdam ng inis. Siguro ay dala na rin ng alak sa sistema ko.
"Ah, gano'n? Kuya, bigyan mo nga ito ng sampung bote ng alak na 'yan," aniya sa bartender. "Babayaran ko! Bigyan mo lang nang bigyan! Huwag kang titigil hangga't hindi siya namamatay!" Agad na rin siyang tumayo at nagmartsa paalis.
Napahabol na lang ako ng tingin sa kanya hanggang sa makalabas na siya ng bar.
Tsk! Pakialamero.
I sighed, guilt tugging at my chest. What I said wasn't fair... but I just wanted to be alone. I couldn't deal with anyone—not even him.
Nagpatuloy ako sa pag-inom, at nilunod ang sarili sa alak. Mas lalo pang lumala ang pagkahilo ko, at nag-umpisa na ring maduling ang mga mata ko.
Maya-maya'y napalingon ako sa babaeng umupo sa tabi ko, na may kahabaang buhok. Kulot na umabot hanggang baywang ang dulo.
My eyes locked onto her slender figure, perfectly outlined by her tight red dress. Litaw ang mapuputi at makikinis nitong mga hita, na halos kuminang sa aking mga mata. Pakiramdam ko ay luminaw bigla ang mga mata ko.
"Hayop siya! Demonyo siya! Mamatay na sana siya!" sigaw niyang bigla na ikinagulat ko. "Bigyan mo ako ng sampung bote ng alak!" she snapped at the bartender.
Humagulgol din siyang bigla, at agad pinunasan ang mukha gamit ang tissue.
Napakunot ang noo ko dahil parang pamilyar ng kaunti ang tinig niya.
Sinilip ko ang mukha niya sa mahaba at alon-alon niyang buhok.
Bigla siyang lumingon sa akin. "Anong tinitingin-tingin mo d'yan?! Pare-pareho kayo, mga manloloko!"
Kamuntik na akong mapatalon sa gulat dahil sa sinabi niya.
What the hell was that?!
"Ano namang kinalaman ko sa 'yo?" inis kong sagot.
Napatitig ako sa mukha niyang nagkalat na ang make up, maging ang lipstick niya ay sabog-sabog na parang basta na lamang pinahid sa mga labi niya.
Hindi maayos ang pagkakaguhit ng kilay niya at nangingitim na ng sobra ang buong palibot ng mga mata niya dahil sa itim na make up. Siguro ay dahil na rin sa pag-iyak niya.
Kung hindi lang maayos ang suot niya, iisipin kong isa siyang sabog na babae d'yan sa kalye. But no—her clothes were clean.
"Yan ang hirap sa inyo, matapos niyong paibigin ang mga babae, basta niyo na lang iiwan!" muli niyang sigaw bago tinungga ang alak na inilapag sa harapan niya ng bartender.
"Ako din naman naiwan," wala sa sarili kong sagot. Tangka ko na sanang dadamputin ang baso ng alak ko, pero nagulat ako nang maunahan niya ako at siya ang mabilis na uminom niyon. "What the—"
I stared at her, half in shock.
"Eh, baka hindi ka talaga niya mahal! Minsan, hindi ipinipilit ang mga ganyang bagay!" she said bluntly, clinking the glass down hard on the bar.
My mouth fell open. Bakit parang alam niya?
"Wag mo ring ipilit ang sarili mo sa kanya. Hindi ka rin niya mahal," I told her flatly.
Bigla siyang tumitig sa akin ng matalim.
Maya-maya'y humikbi siyang muli, hanggang sa mauwi sa pag-atungal ng malakas.
Napatakip ako sa tainga ko dahil pakiramdam ko'y sasabog ang eardrum ko sa boses niya. Goddammit!
"Napakasama mo! Este, napakasama niya! Wala siyang kwenta! Dapat sa kanya, mamatay na lang! Mabuti nga sa kanya, iniwan din siya!"
"Iniwan din siya?" agad kong tanong sa kanya.
"Wala kang pakialam!" Muli niyang dinampot ang baso ng alak na inilapag muli ng bartender sa harapan ko.
Napangiwi na lang ako habang nakatitig sa kanya. Tsk. May sapak yata ang babaeng 'to.
Pagkatapos niyang malagok 'yon ay muli siyang humagulgol.
The hell... Nag-e-emote na nga ako, dumagdag pa 'to.
"Akala ba niya, guwapo siya?" she yelled again. "Ang pangit kaya niya! Ang baho ng kili-kili niya! Amoy putok! Amoy imbornal ang paa niya! Amoy patay na daga ang hininga niya!"
"Has he ever kissed you?" I asked.
Bigla naman siyang huminto, at parang napaisip pa. "H-Hindi pa."
"Tsk."
"Eh, kasi nga mabaho ang hininga niya! Paano ko naman hahalikan kung mabaho ang hininga?!" Muli niyang inagaw ang basong inilapag ng bartender sa harapan ko, pero kaagad ko na rin itong inagaw mula sa kamay niya at mabilis na ininom.
Nakita ko ang pagtitig niya sa akin mula sa gilid ng aking mga mata.
Ibinaba ko ang basong wala nang laman at muli siyang hinarap. “Enough of that. No matter how much you drown yourself in alcohol, it still won’t make him love you.”
"Ikaw din naman, ah! Kapag ba namatay ka d'yan sa alak, mamahalin ka na ba niya?!"
I looked at her again, throwing her a sharp glance.
Para siyang si Aegia kung makaputak. Kung hindi lang lalaki si Aegia, iisipin kong iisa lang sila.
But no. This woman’s kinda sweet, almost angelic, while Aegia’s rough and tough.
Wait, why am I even comparing them? Aegia’s a man, and this woman in front of me is beautiful—just messed up by her smeared f*****g makeup.
“None of your business,” I said, signalling the bartender again.
"Wala ka ring pakialam!" Inagaw niyang bigla ang bote sa bartender, na siyang ikinanganga ko. Agad din niya itong tinungga at sunod-sunod na nilagok ang laman.
"What the f**k? Hey, hey, hey! Stop it!" I snatched the bottle away and handed it back to the bartender.
Natapunan nito ang damit niya, pero muli lamang siyang humagulgol at sa pagtayo niya ay bigla siyang nawalan ng balanse. Napatayo din akong bigla at agad siyang sinalo. Pero kamuntik na rin kaming bumagsak nang umikot ding bigla ang paligid ko. Naagapan ko lang ito kaagad at napahawak sa bar counter.
"Gusto ko na lang mamatay! Wala namang nagmamahal sa 'kin! Lahat na lang iniiwan ako!" she sobbed again, clutching my shirt tightly. Isinubsob niya sa dibdib ko ang kanyang mukha.
“Hey, stop it. Come on, I’ll take you home. Saan ka ba nakatira?" Pinilit kong tumayo ng tuwid, bumitaw ako sa bar counter at inayos ang pagkakahawak sa kanya. Huli ko na namalayan na yakap ko pala siya ng mahigpit at nararamdaman ko ang lambot ng katawan niya sa 'kin.
"Ayoko pang umuwi. Samahan mo muna 'ko. Gusto ko namang maging masaya kahit minsan. Puro sakit na lang ang nararamdaman ko."
I froze in place when she wrapped her arms around my neck and buried her face against it.
I closed my eyes as I felt the warmth of her breath on my skin.
Suddenly, my whole body changed—I felt even warmer inside.
“W-Where do you want to go then?” I asked.
"Kahit saan," she whispered. "Sa tahimik na lugar, 'yong tayong dalawa lang." Nahigit ko ang hininga ko nang lumapat ang mga labi niya sa balat ko.
Nabuhay bigla ang p*********i ko. It had been so long since I felt this connection with a woman. Madalas ay nagsasarili lang ako habang nasa isip ko si Honey.
“Sir, we have a VIP room on the second floor,” the bartender said gently, holding out a key. “Here you go.”
Agad ko din naman itong tinanggap at ibinulsa. "Thanks."
Binuhat ko na ang babae dahil sa tingin ko ay hindi na niya makakaya pang maglakad. Ilang ulit kong ipinilig ang ulo ko upang mabawasan ang kalasingan ko at makapaglakad pa ako ng maayos.
Umakyat ako ng hagdan. Nahirapan ako dahil kahit anong gawin ko, ramdam kong sumusuray talaga ako.
Bigla na lamang tumawa ang babae sa leeg ko. Her warm breath tickled my skin. "Lasing ka na. Mahina ka pala, eh," humahagikgik niyang sabi.
"Hindi pa ako lasing," matigas kong sagot.
"Hindi na yan tatayo. Di ba, kapag lasing ang lalaki, hindi na tumatayo?"
“What the hell? You think I’m that weak? I’m solid, even drunk.”
"Whoa... Tingnan nga natin?"
“Don’t test me, woman.”
Muli siyang humagikgik, pero halos bumigay ang mga tuhod ko nang bigla na lamang niya akong pinaghahalikan sa leeg. Damang-dama ko ang init at lambot ng mga labi niya at dila niya.
“f**k,” I cursed under my breath.
At last, we reached the second floor. A staff member came over to help. I handed him the key, and he unlocked one of the VIP rooms for us.
Pagpasok namin sa loob ay agad ko siyang dinala sa kama at inihiga. Pero hindi na ako nakabangon mula sa ibabaw niya nang salubungin na niya ang mga labi ko at siniil ako ng maalab na halik.
Hindi ko na rin napigilan pa ang sarili ko. I lost control instantly.
I grabbed the back of her neck and returned her kiss with even more urgency. Nalalasahan ko ang alak mula sa bibig naming dalawa, pero nandoon ang kakaibang tamis at init na kaagad na sumiklab sa loob ko.
Her lips were soft and tender, yet they sent shivers through my body, both weakening and igniting every nerve.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Mabilis ko na siyang hinubaran at ganun din siya sa akin. Halos sirain na namin ang mga damit naming dalawa dahil sa pagmamadali.
Hanggang sa di nagtagal ay pareho na kaming walang saplot sa katawan, at malaya ko nang napapagmasdan ang mala-dyosa niyang katawan.
Oh, God...
Mas lalo pa akong nawala sa sarili.