bc

MY BULLET HEART

book_age18+
263
FOLLOW
1K
READ
family
friends to lovers
mafia
drama
heavy
female lead
male lead
crime
like
intro-logo
Blurb

A MAFIA COLLABORATION SERIES

Ipinanganak si Aloysia na may ginintuang puso at mabait na bata kahit lumaki siya sa karangyaan, iyon kasi ang itinuro sa kaniya ng mga magulang niya. Dalawa lang silang magkapatid at ang bunso ay si Steel.

Bilin ng kanilang magulang na hindi sila puwedeng lumabas ng bahay basta-basta dahil maraming nagtatangka sa kanilang buhay at ayaw ng mga magulang nila na may mangyaring masama sa kanila. Kung lumabas man sila ay parating may nakapalibot sa kanilang mga body guard na hindi nagustuhan ni Aloysia dahil gusto niyang mamuhay ng normal na walang anumang nakapalibot sa kanila.

Isang araw ay tumakas si Aloysia sa kanilang bahay dahil gusto niyang maranasang maging malaya kahit sandali lamang. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakilala naman niya si Gavin. Naging kaibigan niya ito at lihim naman silang nagkikita at habang tumatagal ay may namumuo namang pagmamahal sa kaniyang puso para kay Gavin.

Labis namang nalungkot si Aloysia nang magpaalam si Gavin sa kaniya na pupunta ng Amerika upang doon na magtapos ng kaniyang pag-aaral. Pero may isang bagay na ipinangako sa kaniya si Gavin ay kapag nagkita silang muli ay siya na ang babaeng pakakasalan nito.

Ngunit meron pa palang mas ikakadurog ng puso niya nang paslangin ang mga magulang niya at kitang-kita niya mismo kung paano ito patayin ng mga hindi kilalang lalaki sa mismong tahanan nila.

Dalawa na lang silang magkapatid ang natitira at walang iba pang kamag-anak at hindi alam kung paano sila mamumuhay ng normal gayong kinse anyos pa lamang siya at sampung taon lang ang kaniyang kapatid na lalaki.

May isang mag-asawa naman ang kumupkop sa kanilang magkapatid at sila rin ang magtuturo sa kanila kung paano ang makipaglaban at higit sa lahat ay ang pumatay.

Ang isang masayahing si Aloysia na ngayon ay si Elektra na ay naging bato na ang puso at walang patawad kung pumatay kung sino man ang ipapatay ng kaniyang kinikilalang ama.

May misyon naman siyang kailangan niyang gawin, iyon ay ang patayin ang mga taong pumatay sa kaniyang mga magulang.

Pero may isang bagay ang gigimbal sa kaniya, iyon ay ang papatayin niya pala ay mga magulang ng lalaking nangako sa kaniya na pakakasalan siya.

Paano niya pa isasakatuparan ang mga plano niya kung masyado na siyang napalapit sa lalaki at mahal na mahal niya ito at hindi niya kayang saktan?

YOU KILL OR GET KILLED. Mga salitang tumatak sa kaniya nang sabihin iyon ng kinikilala niyang ama.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
"Ate," tawag sa'kin ni Steel. I'm here in our kitchen and cooking our lunch. I turned around and smiled at him. He's wearing all black and I furrowed my forehead because I knew why he wore that kind of clothes. "Where are you going Steel?" Imbes na sagutin niya ako ay niyakap na lang niya ako na ikinataka ko. Niyakap ko naman siya dahil ngayon lang ulit siya naglambing sa'kin ng ganito. Since we were adopted by our adoptive parents we have no freedom and we always obey our father no matter what he orders. Ayoko na siyang sundin at kailangan ko nang tapusin ang labang ito. Marami na ang taong nadamay, marami na rin ang mga pinapatay niya. Ayokong dumating ang araw na pati kapatid ko ay madamay dahil sa kagagawan niya. Kumalas ako nang pagkakayakap kay Steel at mataman siyang tinitigan. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at pansin ko ang lungkot sa kaniyang mga mata. I know that he is having a hard time with our situation right now but I will make a way for us to end this hardship. "Aalis muna ako ate m-may kailangan l-lang akong asikasuhin," nauutal niyang saad. Alam ko na may pinagagawa na naman sa kaniya si papa at hindi niya iyon puwedeng suwayin. Napabuntong hininga na lang ako at tumango sa kaniya at pilit na ngumiti. "I'm sorry Steel" "No ate, I'll be the one who say's sorry. I'm sorry, I need to do this. Always remember that I'll always love you no matter what. Huwag mo sana akong kamuhian balang araw ate." Kita ko ang panunubig sa kaniyang mga mata at pagkuwa'y umiwas sa akin nang tingin. Tumalikod na siya sa'kin at nagmamadaling umalis. Ngunit hindi pa siya nakakalabas ng bahay ay hinawakan ko siya sa isang braso niya na ikinahinto naman niya. "What do you mean by that Steel?" Hindi niya ako sinagot at tinanggal lang niya ang kamay ko na nakahawak sa kaniyang braso at tuluyan nang lumabas ng bahay. Nakaramdam naman ako nang kaba at nagmamadali kong kinuha ang aking cellphone na nakapatong sa center table at tinawagan ko ang partner kong si Genevive. Ilang ring pa ay sinagot na rin naman niya itong kaagad. "Yes mother fucker?" "Where are you?" wika ko sa kaniya habang sapo ko ang aking noo. "Nasa baba lang ako? May nangyari ba?" "Please pakisundan mo si Steel masama ang kutob ko" "Alright no problem." Pagkatapos kong makipag-usap sa kan'ya ay pabagsak naman akong naupo sa sofa. Alam kong may kakaiba sa kaniya dahil hindi naman siya ganoon kapag may ipapagawa sa kaniya si papa. Sana mali ang hinala ko dahil kung hindi kakalimutan kong naging ama ko siya. Paroo't parito naman ako sa loob ng bahay at hinihintay ang tawag ni Genevive kung saan pupunta si Steel at maya-maya pa'y narinig ko na ang pagtunog ng aking telepono na kaagad ko namang sinagot. "Yes Genevive?" "He's with your father" "What?!" Napahigpit ang hawak ko sa aking cellphone at mariing kinagat ang aking ibabang labi. "Umakyat sila sa isang building, well nandito sila kung nasaan ang kumpanya ni Gavin." Mas dumoble ang kaba ko nang malaman 'yon kay Genevive. Alam ko ang binabalak ni papa at gagamitin niya ang kapatid ko dahil hindi ko magawa ang ipinag-uutos niya. I hurried run out of the house to go where they were. I don't want anything bad to happen to Gavin and I also don't want dad to use Steel for his personal interests. Pinaharurot ko ang aking kotse at mahigpit ang pagkakakapit ko sa manibela. Walang kasalanan si Gavin at hindi dapat siya nadadamay sa gulong ito. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi ko siya puwedeng mahalin at nakipaghiwalay ako sa kan'ya na hindi sinasabi ang katotohanan. Nang makarating na ako kung nasaan sila ay kaagad akong bumaba ng sasakyan at tatawid na sana ako para puntahan si Gavin ay bigla namang may humila sa aking braso. Nagulat ako at nakita ko si Genevive na nagpalinga-linga pa at saka niya ako hinarap. Dinala niya ako sa tabi at bago pa siya makapagsalita ay nakita ko naman na papalabas na ng building si Gavin. "Gavin?" mahinang wika ko. Tumingin naman si Genevive sa kaniya at muli niya akong binalingan. Hinawakan niya pa ang magkabilang balikat ko kaya sa kaniya nabaling ang aking atensyon. "Listen to me Elektra, maraming nakamasid sa atin dito at hindi tayo puwedeng magpadalos-dalos. "Mapapahamak si Gavin!" "Papatayin ka nila Elektra!" may diing wika niya sa'kin. "Si Steel Genevive, ang k-kapatid ko," garalgal kong turan sa kaniya. Binitiwan niya ako at mariin siyang pumikit. Nakatingin lang siya sa'kin at parang hirap siyang sabihin sa'kin ang totoo. "He's going kill Gavin." Napamaang ako at napaatras ako nang bahagya dahil tama nga ang hinala ko. Tumingin naman ako kung nasaan si Gavin at nakita kong nakatayo siya sa tapat ng building niya. Wala akong pakialam kahit na mamatay pa ako, ang mahalaga ay mailigtas ko ang dalawang importanteng tao sa buhay ko. Nawala na ang mga magulang ko at hindi ko na hahayaan pang pati si Gavin ay mawala na rin nang tuluyan. "Gavin!" sigaw ko sa malayo. Tumingin naman siya sa'kin at pansin ko ang kaniyang pagkagulat. Tatakbo na sana ako palapit sa kaniya nang makita kong may bumaril na sa kaniyang balikat. At may sumunod pang isa sa kaniyang bandang dibdib naman. Natigilan ako at awang naman ang aking labi nang makita ko ang nangyari sa kaniya. Kaagad siyang bumagsak sa sahig at doon na nagkagulo ang mga tao sa paligid. "Gavin!" Patakbo akong pumunta sa kaniya at nang makalapit na ako ay hinaplos ko ang kaniyang pisngi. "A-aloy__" "Sssh Gavin huwag ka na munang magsalita dadalhin kita sa ospital," naiiyak saad ko sa kaniya at hinawakan ang isang kamay niya. Lumapit naman sa amin si Genevive at tiningnan niya pa si Gavin kung saan ito tinamaan. Binigay niya sa'kin ang baril niya na ikinataka ko naman at mataman niya akong tinitigan. "Just go Elektra, sundan mo sila ako na ang bahala kay Gavin" "P-pero" "Huwag kang mag-alala makakaligtas siya. Ang mahalaga ngayon ay ang kapatid mo." Bago pa ako umalis ay sinulyapan ko pa si Gavin na wala nang malay at saka ako tumayo. Tinungo ko ang kotse ko kung saan naman ito nakaparada. Bago ko pa ito paandarin ay nakita ko namang palayo na ang sasakyan nila papa at kaagad ko itong sinundan. Dahil wala naman masyadong dumaraan dito sa kalsada ay hindi naman ako nahirapang sundan sila. Mabilis ang patakbo ko at ganoon din sila, alam kong alam nila na sinusundan ko sila kaya kung saan-saan na rin sila nagsusuot. Mas binilisan ko pa ito hanggang sa malagpasan ko na sila. At nang magawa ko na ito ay iniharang ko ang aking sasakyan at mabilis naman itong huminto. Bumaba naman ako sa aking sasakyan at hawak ang baril na binigay ni Genevive sa'kin. My gun was pointed at them and just waiting for them to get out of the car. My father who was driving got off first and next is my brother, Steel. My father looked at me without any emotion while Steel couldn't look at me directly. "Why papa? Bakit ang kapatid ko pa?!" I shouted at my father. "I already told you Elektra, don't use your heart! Just use your brain!" ganting sigaw niya. "Wala siyang kasalanan papa!" "It's your fault because you fell in love with him Elektra! Iyan ang kabayaran sa pagsuway mo sa'kin" "I'm sorry ate, I have no choice." Binalingan ko naman si Steel at mariin akong napapikit dahil alam kong hindi niya kayang suwayin si papa. Namulat kami sa isang mundo na punong-puno ng kasamaan. Natuto kaming humawak ng baril, makipaglaban at pumatay. Because of the anger that lingered in my whole being, I thought of avenging those who killed my parents with the help of my adoptive parents. Pero hindi ko inaakalang may kaugnayan si Gavin sa mga ito at dahil doon ay nagtatalo ang puso at isipan ko. Mas pinili kong magmahal kaysa isakatuparan kung ano ang nasimulan ko. "Ilang beses ko nang sinabi sa'yo Elektra na hindi ka puwedeng magmahal na kahit na sino" "Wala kang karapatang pagbawalan ako dahil may sarili akong pag-iisip," may diing saad ko habang nakatutok pa rin ang baril sa kan'ya. "Well wala na akong magagawa, anak" "I'm gonna kill you!" Pagkasabi kong iyon ay siya namang pagtama ng bala sa aking katawan. Hindi ko alam kung saan iyon nanggaling, at alam kong darating ang araw na mangyayari sa akin ang bagay na ito, ang patayin ako. Napaluhod ako at may lumabas namang dugo sa aking bibig. Tiningnan ko pa ang aking kamay na may bahid ng dugo bago ako napahiga sa semento. "Ate! Oh fuck!" Nakita kong patakbong lumapit sa akin si Steel at ganoon din ang aking ama. "Elektra anak!" Hinawakan ni papa ang aking kamay at sa unang pagkakataon ay nakita ko siyang umiyak. "Ate, hold on dadalhin ka namin sa ospital. Please don't leave me ate! Pa, you told me you wouldn't kill my sister," baling ni Steel kay papa. "Steel, anak__" "Huwag mo akong tatawaging anak! Kapag may nangyaring masama sa kapatid ko ako mismo ang papatay sayo!" sigaw niya kay papa. Unti-unti namang pumipikit ang mga mata ko at nanghihina na rin ako dahil sa tama ng bala sa aking katawan. Ang huli kong naramdaman bago ako nawalan ng malay ay ang pagbuhat sa akin ni Steel.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

His Obsession

read
72.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook