bc

Unang Halik (Book1)

book_age18+
2.0K
FOLLOW
10.8K
READ
dark
student
small town
virgin
intersex
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

A mangyan who experienced the cruelty of the world. Many do not like them because of his ancestral tribe. A simple mangyan who wants to try to be like other people even though many do not like her especially their tribe.

Because of hardship she was forced to be a helper and experienced the cruelty of the world.

Until she found out something....

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Crush Tinitingnan ko ang aking balat na nasusunog na dahil sa matinding sikat ng araw. Alas onse na at matayog na ang araw habang tinutulungan ko si lolo sa paghaharvest ng palayan. Ang palayan na ito ay nasasakop pa ng pamilyang Septimo sa Mindoro. Mayayaman ang angkan ng mga Septimo at isa si lolo sa kanilang trabahador. "Lo, kain ka muna. Sumilong tayo sa kubo." tinuro ko ang kubo na nasa gitna nitong malawak na palayan. Nandoon rin ang ibang kasamahan ni lolo at kumakain na. "Oh sige! Bakit ikaw pa ang nagdala ng mga pagkain? Di'ba bibili ka ng iyong school supplies sa palengke?" Tinulungan ko si lolo na makatayo. Hirap na rin kumilos lalo na't may edad na. "Inuubo si lola ,lo. Tsaka mamayang hapon pa'ko pabayan. Sa susunod na buwan pa naman ang pasukan kaya mayroon pakong limang araw para maka ipon ng pera." Inakbayan ako ni lolo patungong kubo. "Hay Sol! Kung hindi lang sana namatay ng maaga ang iyong ina maganda sana ngayon ang pamumuhay natin. Pasensya na kung ganitong pamumuhay ang iyong kinalakihan ha." Ngumisi ako kay lolo. "Lo, ang saya saya nga natin di'ba? Kahit kubo lang ang bahay natin marami naman tayong alagang hayop! Mayroon tayong itik, baboy, manok at kambing! Sa gilid ng kubo mayroong malawak na sapa! Nakakakain naman tayo araw araw kaya wala na akong hinihiling pa lo!" "Ang bait bait talaga ng Soling ko!" ginulo ni lolo ang aking buhok. Sa kubo ay nandoon rin ang kakilala kong si Jenessa. Kaklase ko siya noong grade 9. Yumuko ako ng makitang tumatawa siya habang nakatingin sa amin ni lolo. Bumulong siya sa kanyang ama. "Totoo ba itay na may mga buntot sila? At...tingnan mo ang mga mukha nila! Mukhang mangyan talaga!" Kumirot ang puso ko dahil kahit si lolo ay narinig iyon. Sanay na kaming sabihang ganyan. Sa aming lugar hindi kalayuan dito ay isang malawak na kalupaan ng mga mangyan. Pakalat kalat dito sa Mindoro ang lahi namin. Nasanay na ako na iniinsulto ako at kinukutya sa eskwelahan. Hindi naman sila lahat ganyan. Mayroon ring mabubuting kalooban na tinutulungan kami. Isa akong iskolar sa Raymundo High School kaya sinisipagan ko ang pag aaral para hindi bumagsak. Isang taon nalang rin ako sa high school at makakapagtapos narin ako ng high school. Mas nagpupursigi ako sa pag sasideline para makaipon ng pera. Tinutulungan ko ang kaibigan ni lola sa pagtitinda ng mga sari saring gulay at prutas sa gilid ng daan. Binibigyan ako minsan ni tita Thelma ng 150 pesos. Kung marami namang nabili ay binibigyan niya ako ng 200. Halatang ayaw rin ni lolo makinig sa pag iinsulto samin ng iba sa kubo na iyon dahil nang matapos siyang kumain ay bumalik na siya sa pag haharvest. Ang palayan ay nasa gilid lang ng highway pero hindi ako doon dumaan pauwi. Bukod sa palayan, sa gilid nito ay mayroon ring malawak na sagingan at maisan. Doon ako dumadaan palagi pauwi. Gustong gusto ko doon dumaan lalo na ang sapa doon ay malapit lang sa aming kalupaan. Hindi naman talaga para sa aming mga mangyan ang lupa na iyon pero parang hinayaan nalang raw iyon. Bitbit ko ang supot na may lamang pinagkainan ni lolo habang naaaliw ako sa paligid at hindi ko maiwasan ang mapakanta. "Ang awit na ito...ay alay ko sayo...." Sinisipa sipa ko ang mga bato na madadaanan ko hanggang sa makita kong may tatlong malalaking sasakyan ang nasa gilid ng sapa. Napanguso ako at tinitigan ang mga nandoon. Dahil nga luma na ang tsinelas ko kaya hindi ito gumagawa ng ingay. "Mahihirapan ka dito Mr. Grey. Itong lupa ay tinitirhan ng mga mangyan kaya kung bibilhin mo...mahihirapan ka na paalisin sila." Mukhang mayayaman! Palagi akong nahihiwagaan sa mga mayayamang tao. Hindi ko maimagine kung gaano karangya ang buhay nila. Napatigil ako para makita kung sino ang nag uusap. At base sa narinig ko ay bibilhin itong lupa?! "I can buy a land for them. Magandang asset tong lupain para sa negosyo." Tumawa iyong kasama niya. "Asset my ass Frosto..which girl now huh?" Umiling iyong lalaki at nakapamaywang. Mas lalo akong lumapit at lumipat doon sa hindi katabaang saging. "Shut up Axel." "What ever..see you tonight?" "Yeah..aalis rin ako pabalik ng Negros for my twin." Nagkausap pa sila hanggang sa hindi sadyang dumapo ang tingin sakin nung lalaki! Napasinghap ako at parang walang nakitang tuloy tuloy ang aking lakad pauwi! Hindi ko alam kung bakit nabibigatan ako sa presensya niya! Para siyang diyos ng kguwapohan! Crush ko na yata siya! Ramdam ko ang init ng aking pisngi pauwi. Amoy na amoy ko narin ang amoy araw sa aking damit kaya napagpasyahan kong maligo nang makauwi. Ang aming bahay ay gawa sa kahoy at ang bubong ay nipa at may halong sako. Ang ibang kubo dito ay ganito rin. Dito sa amin ay iisang balon lang ang kinukuhanan ng tubig. Malinis itong balon kaya dito narin kami umiinom ng tubig. "Ate Sol! Ate Sol!" napangit agad ako ng makita ako ni Ating. Isang batang maliit na kauri ko rin. "Oh bakit Ating? Nasaan na ang ina mo at mag isa kalang?" Ang damit nito ay marumi at wala siyang tsinelas. "Nasaan na ang tsinelas na binili ko sayo?" takang tanong ko. "Yun nga ate Sol, nang magising ako kaninang umaga ay wala na ang tsinelas ko! Baka ninakaw na naman nila Bandok! Si nanay baka mamaya pa!" Umiling ako. "Hayaan mo na! Bukas maaga akong titinda ng gulay baka makabili ako ha?" kinurot ko ang pisngi niya. "Salamat ate Sol! Ate naglakad ka na naman sa initan? Ang itim itim mo na!" Napanguso ako at napatingin sa balat ko. "Puputi rin ako kapag ako yumaman! Lahàt dito bibigyan ko nang maraming sabon na mamahalin para puputi tayo! Kaya ikaw, mag aral ka nang mabuti sa susunod!" "Sige Ate Sol!" Hindi muna ako pumasok ng bahay at dumiretso ako sa balon makaigib ng tubig panligo ko. Habang nag iibig ako ay nakita ko sila Bandok at Ating na naghahabulan kasama ang ibang bata. Yumuko ako para alisin ang sintas ng aking buhok at makasabon ng katawan. Lahat kami dito ay dito naliligo. Minsan sa sapa kami naglalaba at nagliligo kung yayain ako nila lola. Habang naliligo ako ay may iilang taong hindi taga rito ang papalapit. Kausap nila ang kapitbahay naming mangyan at ang iba pa. Kumalabog ang puso ko nang makita na siya rin iyong lalaking nakita ko kanina sa sapa! Iba na ngayon ang kasama niya. Nasa anim na sila at halata sa damit ang karangyaan sa buhay. "Ito nay..mamimigay kami ng bitamina para sa lahat mapa bata man o matanda." Unti unti na silang nilalapitan ng taga rito. Pinagpatuloy ko ang ginagawa at hindi sadyang tumingin ako ulit sa lalaki. Ang guwapo niya kasi. Halos mamilog rin ang mata ko nang makita na nasa akin rin ang tingin niya. Umiwas ako at yumuko para kunin ang sabon at sabunan ang aking hita. Nang tumingin ako ulit ay sa akin parin ang tingin niya. Kinabahan ako! "Anong pangalan ng nasa balon nay?" tanong ng lalaki sa nanay ni Ating. "Ah iyon ba? Si Soledad!" Binilisan ko na ang pagligo at mabilis na umalis sa balon na basa ang buong damit ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.5K
bc

His Obsession

read
72.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook