Huwag mo akong Mahalin

1120 Words
Nasa malalim ako na pag-iisip nang makarinig ako ng pagtawag sa pangalan ko. "Ate Sierra tara samahan mo ako duon" Pag-aaya sa akin ni Lora. Tinignan ko naman kung saan ang kanyang sinasabe isang malaking bato na malapit sa pampang. Tumayo ako para samahan na siya, Pero bumaling muna ang aking paningin kay Allen na tila malalim na ang iniisip habang nakatingin sa dagat. Pagdating sa lugar na sinasabe ni lora naupo ako sa isang malaking bato, Habang siya naman ay naglalaro na nangunguha nang maliliit na mga bato sa mababaw na bahagi ng dagat. Napangiti ako habang pinanonood ko siya sa kanyang ginagawa. Napaisip ulit ako ang sarap talaga maging bata, yung bang wala kang iniisip na problema. Bigla ako nakaramdam nang pagkalumbay dahil bigla ko ulit naalala ang kakambal ko na si Savannah, Pero mula nang mag asawa siya at pinili niya ang manirahan sa Mindoro kasama ang lalaking mahal niya at simula nuon hinde ko na talaga siya nakakasama. "Ate Sierra tignan mo Oh??" Napatingin ako kay lora at tinignan ko din ang hawak niya na patpat na malapit na sa mukha ko, Nangilabot ako sa aking nakita, Dahil may nakapulupot dito na isang maliit na tingin ko ay isang Sea Snake. Dahil malapit rin lang sa mukha ko ang ahas, At dahil na din sa pagkakagulat at matinding takot ko sa nakita ko ay napasigaw ako mula sa kinauupuan ko. Naramdaman ko din na tila babagsak ako mula sa kinauupuan ko na isang malaking bato. "Eeeeeeeee lora ilayo mo sa akin iyan!!" Pero bago ako tuluyan na bumagsak sa tubig naramdaman ko na may sumalo sa katawan ko. Kaya napayakap ako sa kanya kasabay nang pagsubsob ko ng aking mukha sa malapad na dibdib niya dahil ayoko makita ang ahas na hawak pa rin ni Lora. "Lora diba sabe ko sayo itigil mo ang panghuhuli ng mga delikadong hayop sa dagat!!" Narinig ko na boses ni Allen na tila galit. Ang ibig sabihin siya pala ang nakasalo sa katawan ko na muntik nang mahulog, Na ngayon naman ay nasa kanyang mga bisig pa din. "Ok ka lang ba Sierra? Pasensya kana kay lora, Natuwa lang siya na ipakita sayo ang ahas mahilig kasi siya sa mga hayop na nakikita niya dito" Narinig ko na sinabe sa akin ni allen. Na unti-unti ko na naman inangat ang aking mukha na nakatago sa kanyang dibdib. Nagtama naman ang aming mata, Nakita ko ang labis na pag-aala sa kanya. "Ok lang nagulat lang talaga ako" Sagot ko naman sa kanya habang iniwas ko ang aking paningin sa kanya. Dahil tila kakaiba ang kanyang tingin sa akin. "Ate Sierra Sorry po" Maniyak-ngiyak na Paghingi nang paumahin sa akin ni Lora. Kaya nahabag naman ako sa kanya. "Ok lang lora" "Anong nangyayare dito?" Narinig ko na boses mula sa aming likuran, Hinde ko siya makita dahil nasa mga bisig pa din ako ni allen. Naisipan na din ako ibaba ni allen dahil siguro sa taong nasa likuran namin. Pagababa niya sa akin duon ko lang nakita ang nagsalita. Nakita ko ang seryosong mukha ni Vince na nakatingin kay Allen. "Kuya Vince sorry po hinde ko po sinasadya na gulatin si ate Sierra e' hinde ko po kasi alam na takot pala siya sa ahas" Maniyak-ngiyak na sambit ulit ni Lora. Pero Lumapit lang sa akin si Vince at hinawakan ako sa dalawang pisngi ko at inangat ito para magtama ang mata namin. "Ok ka lang ba? Hinde kaba nasaktan? Buong pag-aalala na tanong niya sa akin. "Oo Vince ok lang ako' nagulat lang talaga ako bute na lang nasalo agad ako ni Allen bago ako mahulog sa tubig" Sabay lingon ko kay Allen na wala na pala sa kanyang kinatatayuan. Dahil naglalakad na ito palayo sa amin, Kaya nasundan ko pa siya nang tingin habang tila sinisipa pa niya ang mga buhangin na kanyang nilalakaran. Hinde ko din namalayan na sinundan na din pala ng tingin ni Vince si allen na papalayo sa amin. Inaya na ako ni Vince na maglakad-lakad sa pampang habang nakasunod lang sa amin si Lora na naglalaro pa din. "Vince may itatanong sana ako sayo" "Ano iyon?" Sagot naman niya sa akin na deretso pa din ang kanyang tingin habang naglalakad pa rin kami. "Kilala mo ba ang Pamilya ko?" Tanong ko sa kanya, Hinde ko alam kung sasagutin niya ang tanong ko, Dahil nang minsan na magtanong ako sa kanya kung sino siya, Tanging pangalan lang niya ang sinagot niya sa akin. Nakita ko na napahinto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako Inalalayan niya ako para maupo paharap sa dagat. Ganoon din si lora na naupo naman sa tabi ko na nilalaro pa din ang hawak niya na sea snake. kaya napausog pa ako sa tabi ni Vince. Kaya magkadikit na ang aming balikat, Narinig ko pa ang mahinang pagtawa niya habang nakatingin kay lora na tila tuwang-tuwa sa hawak niya. "Kilala ko ang pamilya mo Sierra" Napabaling na ang aking paningin kay Vince na seryoso na ulit ang kanyang mukha habang nakatingin na siya sa karagatan. "May dahilan ang lahat kung bakit nandito ka ngayon at kung bakit kasama mo ako Sierra. Pero hinde ako nagsisisi sa ginawa ko" Seryosong sagot niya sa akin. 'Vince pwede mo pa naman ako ibalik sa amin. Pangako ko sayo manantili na lihim ang lahat ng ito para sa akin" Sagot ko naman sa kanya, Napabaling naamn ang tingin niya sa akin. Wala ng galit ako na nakikita sa kanyang mata dahil sa sinabe ko. "Ayoko Sierra!!" "Pero Vince..?" "Manantili ka sa tabi ko hanggat hinde ko pa alam kung ano ang tunay na nararamdaman ko. Aaminin ko galit ako sa Pamilya mo at kasama kana duon! Pero sa kabila ng galit na ito na unti-unti nabubura dahil sa lagi kitang nakikita! Kaya may gusto ako malaman at masasagot lang iyon pag nanatili ka sa tabi ko!!" Nakatitig pa din ako sa mata niya na tila nangugngusap. At ganoon din siya sa akin sa totoo lang may pagtatalo din sa isipan ko kung halimbawa na pumayag man siya na ibalik niya ako sa Pamilya ko. "Pero Vince hinde ka mapapatawad ng Pamilya ko sa Oras na malaman nila itong ginawa mo sa akin. At sigurado din ako sa mga oras na ito ay alam na nila na wala ako sa Canada" Paliwanag ko pa sa kanya. Dahil alam ko na hinde siya mapapatawad ng aking Pamilya sa ginawa niya sa akin, Lalo na si Kuya Lambert at Kuya Ashlem.. "Nakahanda ako Sierra na harapin silang lahat at kung ano ang kalalabasan ng ginawa ko na ito! Pero ngayon pa lang sinasabi ko sayo huwag mo ako kaawaan at lalong huwag mo akong mamahalin dahil masasaktan ka lang!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD