Muli ako napatingin sa kanya dahil sa kanyang sinabi.
"Anong Parusa?"
Pagtataka na tanong ko sa kanya. Napansin ko ang tingin niya sa akin na para bang tila may magnetiko na sinasabing lumapit ako sa kanya at haplusin ko ang mga sugat sa katawan niya na hindi ko alam kung saan niya nakuha.
Pero hindi ko iyon gagawin dahil tila ba naguguluhan ako ngayon dahil habang nakakasama ko si Vince may unti-unti na binubulong ang puso ko sa akin, Pero gusto ko muna siya makilala at tila bakit parang may galit sa puso niya.
"Tumayo kana diyan para makakain na tayo. Hihintayin kita sa labas"
Pagkasabi niya non lumabas na siya ng kwarto habang nasundan ko pa siya ng aking tingin. Tumayo na ako para makapag ayos na rin para lumabas na ng kwarto. Sa aking paglabas naman ng kwarto nakita ko agad si lena na tila ako talaga ang inaantay.
'Good morning sierra tara kain na tayo. duon tayo sa labas kakain sabi ni vince"
Nakangiti na sabi sa akin ni lena. Magkasabay kami lumabas ng bahay nakita ko ang Isang mahaba na kawayan na lamesa Meron nakalatag dito na mahabang dahon ng saging. Hindi ko alam kung tama ako dahil hindi ako pamilyar sa ganitong klase ng kainan.
Iniwanan ako ni Lena sa tapat ng mahabang lamesa habang sila abala sa kanilang mga ginagawa. Gusto ko man tumulong pero hindi ko alam kung paano? Dahil ang totoo wala ako alam sa mga ganito. kahit nga simpleng paghihiwa ng mga gulay ay hindi ko alam lalo na ang magluto ay hindi ko rin alam.
Hindi ko napansin na nakalapit na pala sa akin si Vince na nakatingin. Napatingin naman ako sa hawak niya na manok na buhay pa.
"Gusto mo tumulong?"
Tanong niya sa akin. Napatango naman ako sa kanya. Nakita ko na napangiti siya hindi ko alam bakit parang bumilis ang t***k ng puso ko sa simpleng ngiti niya. Siguro ngayon ko lang siya nakita na ngumiti.
Inaya niya ako sa puwesto ni tatay Leo na abala sa paglagay ng mga gatong para sa nakasalang na kaldero. Nakita ko na may nakasalang na kumukulong tubig.
Pinaupo niya ako sa bankito na hindi kalayuan sa may kaldero na kumukulo. Tumabi siya sa akin habang hawak pa din niya ang manok. Inabot niya sa akin ang Isang kutsilyo na kahit may pagtataka sa akin kung ano gagawin ko sa kutsilyo ay kinuha ko parin ito sa kanya.
"Gilitan mo sa leeg"
Nagulat ako sa sinabi niya. Napatingin ako sa manok na nasa aming harapan.
"Gawin mona heto ang ang uulamin natin ngayon"
Sabi pa din niya sa akin. Napatingin ako sa mata niya. Seryoso siya sa kanyang sinabi. Kaya lumipat ang aking paningin sa leeg ng manok na nasa aming harapan.
Unti-Unti ko nilapit ang kutsilyo na hawak ko sa leeg ng manok na nanginginig ang kamay ko. Habang hawak ko ang kutsilyo na nilaslas ko ang leeg ng manok na buhay pa.
Dahil na rin sa hindi ko alam kung paano ang paraan at ang tamang paghiwa sa leeg na manok hindi ko napag-handaan ang dugo nito na parang gripo na tumilamsik sa buong mukha ko pati na din sa buong damit ko.
Nanlaki ang mata ko sa takot sa dugo na kumapit sa akin. Nabitawan kong bigla ang kutsilyo at takot na takot na nagsisigaw at tumakbo palayo.
"Aaaaaa A-ayoko sa dugo!!!!!" ayoko sa d'dugo!!!!"
Takot na takot ako tumakbo hindi ko alam kung saan ako patungo. Nakita ko ang dagat kaya nagmadali ako tumakbo dito.
"Sierra!!!"
Narinig ko na boses na tumawag sa akin. Pero dahil nasa isip ko pa rin ang takot sa ko sa dugo tila naging bingi na ako.
Umiiyak ako na tumakbo sa dagat hindi ko na pinansin kung gaano na siya kalalim basta gusto ko mabura ang maraming dugo na dumikit sa buong katawan ko.
"Aaaa ayuko ng dugo huhuhu!!!!"
Patuloy na sigaw ko. Naramdaman ko na may humila sa braso ko. Pero tinulak ko siya dahil mas gusto ko pa magpunta sa mas malalim na tubig.
"Sierra Calm down!"
Pagsusumamo ni Vince na lumusong na din sa tubig para sundan ako.
"Pakiusap ayokooo sa dugo!!!"
Umiiyak ko parin na sabi sa kanya. Patuloy ako na humihiwalay sa pagkakahawak niya.
"Ayokooo!!!! Ayokooo!!!"
Patuloy na sigaw ko habang nasa dagat parin kami na halos kalahati na ng katawan namin.
"Sierra baby...."
Narinig ko na sambit niya bago ko naramdaman na lumapat ang labi niya sa labi ko. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko sa ginawa niya.
Habang patuloy ako na umiiyak patuloy din ang labi niya sa paglasap sa labi ko. Naramdaman ko din na unti-unti din ako kumalma at unti-unti din ako tumugon sa halik niya.
Naramdaman ko na rin yumapos ang dalawang kamay niya sa bewang ko para lalo magdikit ang katawan namin. Dahil sa ginawa niya napakapit na ako sa batok niya.
Lalo naging maalab ang halik namin. Hindi ko alam kung tama ang pagtugon na ginagawa ko sa halik na pinararanas niya sa akin.
Hindi ko din alam kung gaano kami katagal sa ganoon na tagpo nang siya na ang kusa na tumigil.
Hinawakan ng dalawa niya na palad ang magkabila ko na pisngi at tinitigan ako sa mata. Nakita ko ang labis na pag-aalala sa kanya.
"Ok kana? I'm sorry baby!"
Nasa boses din niya ang labis na pagaalala.
Tumango ako sa kanya bilang pagsagot ko. dahil ang lakas na talaga ng pintig ng puso ko dahil sa naganap sa amin at dahil na din na parang ibang Vince ang nasa aking harapan ngayon.
Niyakap niya ako ng sobrang higpit dahil na din ulit sa ginawa niya napayakap na din ako sa kanya.
"Vince ayoko sa dugo!"
Pabulong na sabi ko sa kanya na medyo nanginginig pa din dahil sa naalala ko ang pagsirit ng dugo mula sa buhay na manok papunta sa mukha ko.
"Shhhh I'm sorry baby!!"
Na lalong humigpit ang pagka-kayakap niya sa akin.
Siya na din ang nag alis ng dugo ng manok sa buong mukha ko gamit ang kamay niya..