NATUON ANG ATENSIYON ni Zeus sa hawak ni Alpha Dominic na black pouch. "Is that from Maxine?" Umaasa niyang tanong. Ngumisi si Alpha Dominic. "Why would I tell you?" He growled. Handa na siyang sugudin ito nang marinig niya ang boses ni Maxine sa kanyang isipan. Hayaan mong makita niya ang Alpha King, Zeus. Bigla nitong itinaas ang mind barrier nito kaya hindi niya ito nakausap. Tumayo siya. "I will let you see the Alpha King but if you do something I will not hesitate to end your life." Pero mukhang hindi natakot ang Alpha sa banta niya. Ngumisi lang ito. "Zeus." Tawag ng mga kapatid niya. Naramdaman niyang nangangamba ang mga ito para sa kanilang ama. Hindi nila gaanong kilala ang Alpha ng Dark Moon Pack kaya hindi niya masisisi ang mga kapatid niya. At

