Isang masamang balita ang gumimbal kay Coulter sa pangalawang araw niyang pananatili kina Lola Agwa. Umaga iyon at nasa kalagitnaan siya ng pagkain ng almusal kasama sina Dylanne, Tito Richard at Lola Agwa. “What did you say, Miko?” Napatayo pa siya mula sa kanyang pagkakaupo at nahila niya ang lahat ng atensyon ng mga kasama niya. Tahimik na nakatingin ang mga ito sa kanya na may katanungan sa mga mata. Kausap niya ang kanyang forty-ish PA na siyang tumatanggap ng lahat ng communications sa loob at labas ng kompanya para sa kanya at ire-relay lang nito ang pinakaimportante sa kanya habang nasa probinsiya siya. “Sir, I’m sorry. We just got the news a short while ago. It’s confirmed that none survived after one of our A321 planes from Hawaii to Australia took a nosedive in the Pacific O

