Marahang gumalaw ang labi ni Coulter. Dahil sa pagkabigla ay napasinghap si Dylanne at kaya napaawang ang labi niya. Lalong nagkaroon ng access ang binata sa kanyang bibig at hindi man lang siya makagalaw o makapagprotesta man lang. Naramdaman niya ang malambot at mainit nitong labi. Nakapikit ang mga mata nito at tila ninamnam talaga siya. Parang dumating ang lahat ng construction workers at pinukpok nang todo ang kanyang dibdib nang dahil sa ginawa ng binata. Nalasahan niya pa ang natural na matamis at parang grapes nitong labi na may halong kaunting beer at alat mula sa dagat. Ilang saglit din siya nitong hinalikan bago ito tumigil at dahan-dahan siyang tiningnan sa mga mata. “Sorry, but not sorry. I was dying to taste you, babe,” bulong nito. Noon pa siya nakabawi at hinampas ito s

