Chapter Thirty Two AMIR SECOND Semester na. Enero. Enrolled na ako at ready nang pumasok. Umaasa akong magiging maganda ang salubong ko sa taon dahil napakaraming nangyari sa nakaraan. Maayos na kami ni Yumi. Natututo na rin siya sa mga gawaing bahay dahil sa akin. Tatlong beses kaming nagdiwang ng kapaskuhan. Una, kasama ang barkada, pangalawa, kasama ang kanyang pamilya at pangatlo, kaming dalawa sa kasera. Masasabi ko namang naging masaya ang pasko ko na kasama siya dahil ngayon lang ako ulit nakadama ng ganito, na hindi ako nag-iisa. Sinilip ko rin ang mga kapatid ko sa bahay pagkatapos ng noche Buena. Hindi umuwi si papa. Hindi rin pala sila masyadong naghanda dahil maraming utang ang madrasta ko. Hindi na rin ako nagtagal dahil baka may marinig na naman akong salita mula sa k

