Chapter Thirty Seven MAYUMI LUMIPAS ang araw at wala akong Amir na nakikita. Hindi rin naman ako masyadong lumalabas pero sa mga panahong hindi ako makahinga ng maayos sa kwarto ay lumalabas ako para magpahangin. Isang buong linggo akong hindi pumasok. Nag-apply ako ng leave ko at inaprubahan din naman ni Boss Andrew dahil nakikita niyang hindi ako productive at hindi ako masyadong nagiging palasalita lately. Kinausap ko na rin si Ruby tungkol dito at sabi niya rin sa akin na magtake ako ng break para lang makapag-unwind ako sa kabila ng mga nangyari in the past few days. No more texts and calls. Active din siya sa social media pero hindi siya nagpopost at nagsesend ng messages through messenger. Minsan, sa kaaantay kong magmessage siya ay napindot ko pa ang like button at nagsend

