Chapter Twenty Three MAYUMI “YUMI, ang papa mo ito. Bakit ayaw mo kaming pagbuksan?” Ano namang ginagawa ni papa dito ng ganitong oras? At paano ko i-eexplain sa kanya na nandito si Amir? Patay ako nito. Nagkatinginan kami ni Amir. Pero ikinagulat ko nang maglakad siya palapit sa pintuan at siya na mismo ang nagbukas nito. Sobra sobra ang kaba ko dahil sa mga pangyayari kanina pero mas kinakabahan yata ako ngayon. Nagulat pa si papa nang bumukas ang pintuan at si Amir ang kanyang uang nakita. “Magandang hapon po,” nagmano pa siya sa papa. “Oh, hijo, nandito ka rin pala?” “Ah, opo, tinulungan ko po kasi si Ate Yumi na mag-ayos ng mga kalat niya,” tiningnan niya pa ako. Tinulungang mag-ayos? Kung isumbong kaya kita sa papa ko na kinuha mo ang isang panty ko? “Hi pa, kunwari ay ha

