Kabanata 27 Kahit anong pagpipigil ang gawin ko, hindi ko magawang pahintuin ang pagiyak ko habang nakatakip ang mga palad sa mukha. Siguro ay dahil kanina ko pa ito pinipigilan. Simula pa lang nang makita ko siya. Sila. "I thought we have already talked about Lauren before, Dreya. How many times do I have to tell you that she is just a friend?" tanong ni Dashiel sa gitna ng mga hikbi ko. "Pero kaibigan lang rin ba ang turing niya sa'yo, Dashiel?" "What do you mean? Are you saying that she has something special for me?" Hilaw siyang natawa. "You're overthinking." Umiling ako. Sa tingin ko ay walang patutunguhan ang paguusap naming ito dahil alam kong hindi rin ako maiintindihan ni Dashiel. He doesn't understand what I feel right now. Iisipin niyang binibigyan malisya ko ang pagkakaib