ISANG linggo na ang nakalipas magmula ng umalis ng UK si Andrei at hanggang sa mga oras na yon ay galit na galit si Yza Isabel. Ang ginawang pagdadala ni Andrei sa kanilang mga anak ay hindi tama. Wala talagang respeto sa kanya ang asawa. Laya ang bilis lang nitong husgahan siya. Hindi man lang siya tinanong o binigyan ng pagkakataon magpaliwanag. Kung ano-anong masasakit na salita ang ibinabato sa kanya. Wala pala talagang tiwala sa kanya si Andrei. Naiintindihan na niya kung mag react ng ganun si Andrei. Dahil nadatnan siya na may kayakap na lalaki. Dahil matagal silang hindi magkasama. Kaya lang hindi naman katanggap tanggap na pagbintangan siya ng ganun. Mababang uri ng babae ang tingin sa kanya ng kanyang asawa. At napakasakit sa part niya ang ganun. Pagkatapos biglang umali