DINALA ni Andrei si Yza Isabel sa falls, nais niyang marinig ang paliwanag nito. At kaya dito niya dinala ang asawa. Upang pwede silang magpalipas ng gabi. Sa labindalawang taon na lumipas sigurado marami itong sasabihin sa kanya. “Bakit nakatitig ka lang diyan, plano mo na abutan tayo ng dilim upang dito na tayo matulog?” “Bakit tayo aabutan ng dilim?” “Dahil hindi ka pa rin nagsisimula na magpaliwanag. Nais kong malaman lahat ng detalye kung bakit nagawa mo sa akin ito. Sa palagay ko naman hindi mo kayang mawala ako sa buhay mo.” nakita ni Andrei ang pagtaas ng kilay ni Yza Isabel. Ngunit hindi na niya pinapansin yon. “So, marami kang sasabihin na dahilan kaya umabot tayo ng maraming taon na ganito ang sitwasyon.” “Wala kang tiwala sa akin, pinag-isipan mo ako na may lalaki. Mababa r