ANG buong akala ni Matt, ayos na sila ni Monaliza. Subalit nang lingunin niya ito sa kabilang gilig ng kama ay bakante na iyon. Ang buong gabi ng pagniniig nila ay mali sa inakala niyang hindi ito basta makakabangon kinabukasan. Nakaramdam siya ng panlulumo at napipilitan bumangon. Luminga sa paligid at saka lang niya naalala naroon nga pala sila sa kwarto ng dalawa. Tumayo si Matt, hinagilap ang kanyang boxer shot at suot iyon. Pagkatapos ay lumabas at hinanap ang dalaga. Subalit tatlong barako ang naroon sa living room. Ang tingin sa kanya ng mga ito ay tila nais na siyang patayin. “Ahm… nasaan ang kapatid nyo?” “Baka gusto mong magbihis bago ka humarap sa amin upang makipag usap?” salubong ang kilay ni Argus Emanuel Del Fierro. Hindi sumagot si Matt, pumihit siya at bumalik sa lo