MALAYO pa lamang si Monaliza, pero nakikita na niya si Mr. CEO nakatayo sa gilid ng sasakyan nito. Ano naman kaya ang kailangan nito sa kanya? Isang buwan na rin ang nakalipas upang ungkatin pa ang tungkol sa pag-alis niya sa kompanyang pinapasukan pagmamay-ari nito. Dumeretso siya ng lakad at nagkunwari na hindi ito nakikita. “Hindi ko tinanggap ang resignation mo.” “Problema mo na yon, Mr. CEO.” nagpatuloy siya sa paglalakad ngunit bigla na lang umangat sa hangin. “Put me down! Saan mo ako dadalhin ha?” pinagsusuntok niya ang likuran ni Matt basta ibaba lang siya nito. Ngunit walang nangyari, pabagsak pa siyang binaba sa passenger’s seat at malakas na sinara ang pinto. Akmang bubuksan niya yon ngunit biglang nag lock. Sinubukan buksan ang salamin ng bintana para doon dumaan pero w