NAKAUPO si Matt sa mahabang sofa ng silid na kinaroroonan ni Monaliza. Hinihintay niya ang sasabihin ng mga doktor na sumusuri dito. Wala na si Dr. Jc, dahil nasa delivery room may pasyente na nanganganak. Ngayon lang niya nalaman na ang pinsan ni Josh ay dating surgeon at ngayon ay isang OB Gynae. Hindi nya maimagine na yon ang propesyon ni Dr. Jc, baka kapag siya ang nasa kalagayan nito ay dumami ang mga babae niya. “Mr. Mondragon, stable na ang kalagayan ng asawa mo at bukas ay maaari na siyang lumabas. Meron kaming mga gamot na ibibigay sa kanya kailangan ubusin niya ang lahat ng yon. At huwag na sana maulit ang ganun klaseng insidente. Mabuti hindi tuluyan nabali ang balakang niya.” nakangiti sa kanya si Dra. Andrea Montemayor, bago siya tinalikuran. Lumapit siya sa tulog na baba