HANGGANG sa mga oras na yon ay hindi pa rin natutulog si Matt. Kung dati pagkatapos makipagtalik sa ibang babae ay tulog agad siya. Pero ngayon maliwanag na ang paligid ay nananatiling gising. Kanina nakainom siya ng ilang shots ng whisky pero hindi siya lasing. Hindi na lang talaga niya nagawa ng kontrolin ang sarili. Lalo pa at naamoy niya sa kinakapatid ang alak. Hindi naman ito umiinom kaya bakit natuto ng tumikim ng alak? Isa pa ang ginawa nitong pambabalewala sa kanya. At ang nakikita niyang mga lalaking laging kausap ni Monaliza. Galit na galit siya lalo at ang suot na mga damit ay halos kita na ang kaluluwa. Tumayo si Matt mula sa higaan at nagbihis pagkatapos ay lumabas. Dumeretso siya sa restaurant at nag-order ng mga makakain. Ngunit hindi pa man lang siya nagtatagal sa u