Episode 4 - Look At Your Self

1551 Words
Habang nagtagal ang kanilang pagsasama ay panay naman ang hingi ni Allezandra ng pera sa kaniya. Dahil may bibilhin daw siyang lupa sa probinsya. Nagbigay naman si Symond ng apat na milyon, para lang maibigay sa asawa ang lahat ng gusto nito. Ang lahat nang iyon ay baliwala lang kay Symond, at hindi sumasagi sa kaniyang isip na pineperahan lang siya ni Allezandra. Nagiging bulag siya sa pagmamahal sa kaniyang asawa. HANGANG sa naisilang ang bata at sobrang saya ang naramdaman ni Symond, nang masilayan niya ang anak na babae. 'Camille' ang kaniyang ipinangalan sa kanilang anak ni Allezandra. Si Symond ang laging nag-aalaga sa bata dahil walang pakialam si Allezandra. Na para bang hindi niya ito anak. Ang lahat-lahat nang iyon ay inilihim niya kay Peter. Pinalabas niya rito na ipinapadala siya sa Malaysia at dalawang taon ang kaniyang kontrata. At paniwalang-paniwala naman ang kaniyang asawa sa probinsiya Mabilis ang paglipas ng mga buwan at mag-iisang taon na si Camille. Lumaki ito na ang palaging nag-aalaga ay si Symond. Siya ang palaging nagpupuyat sa gabi at ang lahat ng pagod ay hindi niya iniinda. Sapagkat mahal na mahal niya ang bata at ang asawa. ISANG umaga ay nagising si Symond dahil sa pag-iiyak ng kaniyang anak. At wala si Allezandra sa kaniyang tabi. Kaya bumangon siya upang magtempla ng gatas. "Baby... baby..." sambit niya sa kaniyang asawa ngunit walang sumasagot. Kaya iniwan niya saglit ang bata sa kuna at dali-dali siyang nagtungo sa kusina at agad nagtempla ng gatas. Nang muling nakatulog ang bata ay hinahanap niya ang asawa sa buong bahay. "Baby... nasaan ka?" tawag niya rito. Inikot na niya ang buong bahay ngunit hindi niya mahagilap si Allezandra. Bumalik siya sa kuwarto at binuksan ang kabinet ngunit wala na ang ibang gamit nito. "No! No! Allezandraaaa!" sigaw niya at tumakbo sa labas ng bahay. Bagsak ang mga balikat niya na bumalik sa loob ng bahay. Umupo siya sa gilid ng kama at walang tigil sa pag-iiyak. "Why you do this to?" pabulong niyang tanong. Hindi alintana ni Symond kung ilang oras na siyang nakaupo doon. Nagising lang ang kaniyang diwa nang umiyak ang kaniyang anak. Wala sa isip siyang tumayo at kinuha ang anak mula sa loob ng kuna. "Anak, iniwan tayo ng Mommy mo. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ito ginawa sa atin. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang." Patuloy sa pag-agos ang luha ni Symond, habang yakap niya ang kaniyang anak. Sa araw na iyon ay hindi siya pumunta sa kompanya. Wala siyang ibang ibang ginagawa kung hindi ang panay tawag sa phone ni Allezandra, at umaasa na makontak niya ito. Buong araw rin siyang hindi kumakain at hindi rin niya maramdaman ang gutom. "Allezandra, bakit mo ito ginawa sa akin? Buong pagmamahal ay ibinigay ko sa iyo, halos wala na akong tinira sa aking sarili..." wala sa isip niyang sabi. Pagkalipas ng dalawang araw ay umuwi si Symond sa tahanan ng kaniyang ina na mugto ang mga mata. Tila wala ito sa sarili habang kandong ang kaniyang anak. "Son, what happened?" pagtatakang tanong ni Mrs. Marites, at agad kinuha ang apo sa kamay ng kaniyang anak. "Anong nangyari?!" pag-uulit nitong tanong at medyo matigas ang tono nito. "Ma, wala na si Allezandra. Iniwan niya ako at ang aming anak," humihikbi niyang sumbong. "Sinabi ko na nga ba!Talagang hindi mapagkatiwalaan ang punyitang babaeng iyon!" Nanginginig sa galit si Mrs. Marites. Dali-daling tinawag niya ang katulong at pinapahatid ang mga gamit sa kuwarto nang kaniyang anak. "Ma, ano ang gagawin ko? Mahal na mahal ko si Allezandra, hindi ko yata kayang mabuhay kung wala siya. Please, tulungan mo ako, Mama!" Pagmamakaawa niya at lumuhod ito sa harapan ng kaniyang ina na patuloy pa rin sa pag-iyak. "Symond, listen to me! Hindi siya karapat-dapat sa pagmamahal mo! Nagiging mabuting asawa ka sa kaniya at hindi ka nagkulang. Kalimutan mo ang walang kuwentang babaeng iyon! Hindi niya kayo mahal, dahil kung totoong mahal ka niya ay hindi niya kayo iniwan!" "Mama... Mamaaaa!" Humahagulgol si Symond at yumakap ng mahigpit sa kaniyang ina. Awang-awa si Mrs. Marites, sa sinapit ni Symond. Napakabuti nang kaniyang anak para lukuhin ni Allezandra nang basta-basta. "Hinding-hindi kita mapapatawad kung may masamang mangyari sa aking anak Allezandra!" galit na galit nitong banta sa kaniyang isip. Nagiging malungkutin si Symond sa mga nagdaang araw at buwan. Ngunit patuloy pa rin niyang inaalagaan ang kaniyang anak. Siya mismo ang laging kasama sa pagtulog ng bata. Subalit ang kaniyang sarili ay masyado niyang napabayaan. Humaba ang kaniyang bigote at buhok pumayat rin ito nang sobra. Na tila wala na ang Symond noon na makisig, kuwapo at hinahabol ng mga babae. "Anak, kung magbakasyon ka kaya muna. Para maaliw-aliw ka naman," Pahayag ni Mrs. Marites. "Okay lang ako, Ma. Huwag ninyo akong alalahanin," tugon nito habang binihisan ang kaniyang anak. "Look at your self, son. Masyado mo nang napabayaan. Maglibang-libang ka naman paminsan-minsan." "Okay, Mama. Kapag may oras ako." Dahilan ni Symond sa ina, sapagkat ayaw niyang mag-alala ito ng husto sa kaniya. Kahit ganoon paman ang nangyari sa buhay niya ay nanatili pa ring kontrolado niya ang kaniyang isip. Alang-alang sa kaniyang anak ay hindi niya nagawang magbisyo o nambabae. Maliban lang sa pakonti-konting alak. Kung baga ay pampatulog lang niya. Ang lahat ng sakit at kalungkutan ay idinaan na lamang niya sa patagong pag-iyak. "Allezandra, sana bumalik ka na. Mahal na mahal kita, handa kitang patawarin at at bigyan ng isa pang pagkakataon. Mabuo lamang ang ating pamilya," he whispered with tears in his eyes. SAMANTALA pabalik na si Allezandrie sam Manila. Umuwi lang ang dalaga sa probinsiya, dahil 'Wedding Anniversary' ng kaniyang mga magulang. "Mama, Papa. Aalis na po ako!" Paalam ng dalaga sa kaniyang mga magulang. "Mag-iingat ka, Zandrie," bilin ng kaniyang ama na si Neal "Opo!" tugon niya at humalik ito sa kaniyang ama. "Zandrie, kailan ka babalik dito?" tanong ng kaniyang Mama Janilla. "Titingnan ko pa ang schedule ko. Alam n'yo naman na konti lang ang oras ko," tugon ni Zandrie na may kasamang malalim na buntong-hininga. "Bakit hindi ka na lang lilipat dito, anak?Marami namang malalaking hospital dito," anang ina niya. "Mas gusto ko sa Manila. Kasi regular nurse na ako doon at isa pa malaki ang sahod." "Eh, kailan mo naman balak mag-asawa?" tanong ng ina. "Paano naman ako makapag-asawa? Eh, wala nga akong boyfriend." "Bawas-bawasan mo kasi iyang pagkapihikan mo sa lalaki. Baka magising ka na lang isang araw na tumanda ka na pa lang nag-iisa." "Hon, huwag mo namang takutin ang anak natin. Isa pa masyado pang maaga!" saway ng kaniyang ama. "Oo nga, Ma! Huwag mo naman akong takutin ng ganiyan. Baka matakot ako at pagkatapos ay bigla akong babalik dito na may instant asawa na akong dala!" pagbibiro ni Zandrie at nagtawanan ang tatlo. Alam ni Allezandrie na ampon lang siya sapagkat bata pa lang siya ay ipinagtapat na nang kaniyang mga magulang ang buong kuwento. Ngunit hindi niya ito iniisip sapagkat ay mababait ang umampon sa kaniya at hindi ito nagkulang. Ang lahat ay ibinigay sa kaniya kahit may tunay pa silang anak. Subalit pantay-pantay pa rin ang pagtingin sa kanilang dalawa. Nakapagtapos si Allezandrie sa isang private school, sa kursong nursing. Masipag at mabait na anak siya at masunurin sa mga magulang. Never pa siyang nagkaroon ng boyfriend dahil masyado siyang pihikan sa lalaki. Maganda, matangkad at maputi si Allezandrie. Maraming mga lalaking naghuhumaling sa kaniya ngunit mahirap abutin si Zandrie. Last-trip ang biyahe niya pa Maynila at tamang-tama na madaling umaga siya makarating. At diretso na siya sa hospital kung saan siya nagtrabaho. Mahimbing ang tulog ni Allezandrie, sapagkat napagod ito sa kahabaan ng kaniyang biyahe. Malapit na sana silang dumating sa Maynila, ngunit sa hindi inaasahan ay biglang inaatake ang driver sa kaniyang alta-presyon. Dahilan sa kanilang pagkabangga sa isang malaking sasakyan na kanilang nakasalubong Mabilis ang pangyayari at nagulantang ang lahat ng mga pasahero. Nagising na lang si Allezandrie na duguan ang kaniyang ulo at sobrang naipit ang kaniyang hita "Aaah... tulong!" sigaw niya. Biglang nagka-nervous si Allezandrie, nang makita niya ang mga posesyon ng mga pasahero. Halos ang nasa kaniyang harapan ay walang mga malay at duguan ang lahat. "Tulong... tulong! Tulungan ninyo ako... " boses na pagmamakaawa ni Allezandrie. Isang pasahero naman mula sa likuran ang kumuha ng live-video. Laman si Zandrie sa nagturang video at agad naman itong lumabas sa balita. "Allezadra!" bulalas ni Symond at lumaki ang mga mata nang makita niya ang asawa na kasama sa bus accident. "Mama!" sigaw ni Symond sa ina at dali-dali siyang pumasok sa kuwarto. Upang kunin ang susi nang kaniyang sasakyan. "Bakit, anak?Ano ang nangyari?" pag-aakalang tanong ng ina. "Ma, nakita ko ang aking asawa at kasama sa bus na naaksidente. Paki-tingnan muna ang anak ko, Mama. Pupuntahan ko nuna ang aking asawa!" tarantang sabi ni Symond. "Son, b-baka kamukha lang siya ng asawa mo." "Hindi ako puwedeng magkakamali asawa ko iyon, Mama!" Dali-daling umalis si Symond at halos paliparin na nito ang sasakyan. Naiwan ang ina niya na magkasalubong ang dalawang kilay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD