Chapter 30 Nang makabalik si Cloe sa kanilang kuwarto ay nakita niyang nakadapa ang asawa at nakayakap ito sa kaniyang anak. Bigla siyang nakaramdam ng kaba at dahan-dahang nilapitan ang asawa. "D-dhey," sambit niya at nanginginig ang kaniyang kamay na dahan-dahang dumapo sa balikat ni Angelo. "Dhey?!" sigaw niya at paulit-ulit nitong niyugyog ang katawan ng asawa. "Angeloooo ... Angelooo!" paulit-ulit niyang sigaw at humagulgol na siya. "Dheeeeey!" Mahigpit niyang niyakap ang katawan ng asawa. At mas lumalakas ang kaniyang hagulgol. Dali-dali niyang tinawanan si Zoey, dahil hindi na niya alam ang gagawin. Malapit na sa hospital si Zoey, nang mag-ring ang kaniyang phone. "Yes, Cloe?" sagot niya sa kabilang linya. "Zoey, si Angelo ..." sabi nito at klaro sa boses na umiiyak