TINAWAGAN ni Zoey ang ama ni Cloe, at sinabi niya kung anong oras ang dating ng eroplano. Sinabi rin niya na hindi kasama ang kanilang apo, at dahil ipinaliwanag niya nang mabuti ang lahat kaya naunawaan siya. Dumating ang eroplano na sinasakyan ni Cloe, at paglabas niya sa palibaran ay agad niyang nakita ang kaniyang mga magulang. "Anaaaak ..." biglang sigaw ng kaniyang ina at humagulgol ito. "Mamaaaa ..." sambit niya at binitawan ang kaniyang hawak na trolley bag. "Papaaaa ..." tawag rin niya sa ama. Tumakbo siya at sinalubong ng yakap ang mga magulang. Hindi mapigilan ng kaniyang ama ang mapaluha, dahil sobrang pumayat ito. "Iniwan na ako ng asawa ko, Mama. Iniwan na niya ako ..." sumbong nito na patuloy sa pag-iwak. "Siguro hindi talaga siya para sa iyo. Tanggapin na lang