"Cloe —" gilalas ni Mrs. Carpio at agad siyang niyakap na mayroong luha sa mga mata. "Mama," sambit niya at tumugon sa yakap nito. "Ate Cloe, akin na muna si baby Angela. "Angela?" pag-uulit ni Mrs. Carpio at tumingin sa sanggol. "Ma, pangalawa naming anak ni Zoey. Angela ang ipinangalan namin," pahayag ni Cloe. Marahang hinaplos nito ang mukha ng bata at muling pumatak ang kaniyang mga luha. "Ma," sambit ni Zoey at bitbit niya ang porcelain jar. At dahan-dahan niya itong ibinigay sa kaniyang dating biyenan. "Angelo — Anak ko!" Biglang humagulgol ang Ginang, habang yakap niya ang jar. Awang-awa si Zoey rito at maagap niya itong niyakap. "I'm sorry, Ma. Nabigo ako," turan niya at umiyak na rin. "Wala kayong kasalanan at least sinubukan ninyong dugtungan ang kaniyang buh