Bago mag-alas-siyete ay umalis na ang mga magulang ni Cloe. Dahil tulog na ang kanilang anak ay maaga silang pumasok ng kuwarto. "Mauna ka na sa banyo, Zoey." "Okay!" Habang nasa loob ito ng banyo ay inihanda naman niya ang bihisan nito. Hindi sanay si Zoey na boxer short ang suot kung matulog at wala siyang ganoon. Halat ay pajama na cotton. Unlike kay Angelo, na boxer short ang pantulog nito. Inihanda na rin niya ang kaniyang bihisan. Isang nighties na manipis, dahil dito naman siya komportable. Nang makalabas si Zoey ay agad na niyang nakita ang kaniyang bihisan. "Thank you for this!" Nakangiti ito habang isinuot ang kaniyang sando. "Welcome!" Nakaupo na si Zoey sa kama at binuksan ang kaniyang laptop dahil may tiningnan itong mga importanteng dokumento. Nang dumaan si Cloe