Pagpasok ko sa kusina ay agad kong namataan si Manang Rosa. Nasa counter siya at tila may nililista. “Magandang umaga po, Manang Rosa.” Bati ko sa kanya. Lumapit ako sa double-door fridge nila. She warmly smiled at me. “Magandang umaga, hija. Ano’ng gusto mong almusal? Maaga nagising ang asawa mo, ayaw ka namang gisingin kaya kanina pa siya nakakain. Ipaghahanda kita,” Binaba niya ang hawak na ballpen at tumayo. May kinuha siya fridge at saka binuksan ang kalan. Umupo na ko dining table habang umiinom ng juice. “Salamat po.” Pinapanood ko siyang maghanda. Tinanaw niya ako. “Ano nga palang gusto mong ulamin mamaya? Naglilista na ko baka mayroon kang gustong ipabili..” Nginitian niya ko. I smiled back kahit hindi na niya nakita dahil may kinuha siyang pinggan. Nag-isip ako ng pangangailan