Isang bag lang ang dala ko at ang laman lamang ay ilang personal na gamit. Kinuha ko lang doon sa sinasabi niyang binili niya para sa akin. Pero ibabalik ko din ito kapag tuluyan na kaming naghiwalay. Baka maging remembrance pa. Inihatid pa kami ni Manang hanggang sa pagsakay. “Mag-iingat kayong mag-asawa. At iwasan ang magtampuhan ha.” Nilingon ko siya at nginitian. “Alis na po kami Manang.” Hinawakan niya ang kamay ko. “Kailan naman ang balik mo niyan ditto, hija?” Saglit akong natigilan. Sa totoo lang, hindi ko na naisip na babalik pa ko rito. My days here are finished. Ang ilang araw na matitira sa bakasyon ko ay ilalaan ko na lang sa pamilya ko sa Laguna. But then I wouldn’t tell her that. Ayoko ring magpaasa at mas lalong ma-attach sila sa akin. My plan should be my priority. “Tat