Tulog at makinig sa musika lang ang ginawa ko sa haba ng biyahe ko. Paminsan-minsan ay napapaisip ako ng mga dapat kong asahan pag-uwi sa Pilipinas. Pati ang mga dapat kong sabihin sa mga magulang ko. Ayoko na rin kasing ipaalam pa ang kasal na naganap dati. Hindi ko lang alam kung paano kapag nabanggit ni Lola. Nangangapa pa ako. After a long flight ay nakalapag din kami Pilipinas. Hindi pa man din kami nakakalabas ay parang umuusok na ang pwitan ko sa kaba. Iyong pakiramdam na malalanghap ko na ang simoy ng pilipinas at ang biglang bumalik sa aking isip ang mga huling pangyayari sa akin dito bago ako umalis. Alam ko namang si Ate Jenelet lang ang nakakaalam na uuwi ako pero ang dagundong ng dibdib ko ay dagsa. Siguro ay dahil sa nanibago lang ako. Agad kong nakita si Ate Jenelet sa labas