Natigilan si Gwen sa paghakbang nang matanaw kung sino ang nasa labas ng kanyang apartment. Gusto niyang umatras pabalik ngunit nakita na siya ni Dodong. Agad itong lumapit sa kanya. Ngingiti-ngiti. Sinuklay pa ang buhok gamit ang daliri. Suwabe sana kung kamukha lang ni Robin Padilla. Pero... Ah! Nevermind, dapat na lang niya i-appreaciate na kahit papaano ay may nag-iisang manliligaw siya. Nag effort pa kaya si Dodong. Sa palagay nga niya kaya hindi nito tinanggal ang price tag sa polo ay para ipabatid sa kanya na bago iyon. Bagaman lagi niyang nakikita na paulit2x na lang ang sinuot nitong pantalon ay bumawi naman ito sa bagong laba nitong rubber shoes na malamang kiniskis ng mabuti dahil pumuti. Minsan naawa rin siya kay Dodong. Hindi ito sumusuko kahit ilang beses na niyang tinapa