bc

Teacher Teacher

book_age4+
83
FOLLOW
1K
READ
like
intro-logo
Blurb

Si Seven at Luko ay pareho ng edad at kasarian, they even attend the same university noong college pa palang sila at naging close friends din silang dalawa. Luko is a varsity player noon sa unibersidad nila at napaka-galing nito bilang isang 3pointer... Subalit makalipas ng apat na taon ay magkikitang muli sina Seven at Luko sa parehong university na pinasukan nilang dalawa noon.

Luko as a Teacher and Seven as a Student. hindi kasi nakapag tapos si Seven ng kanyang kurso noon at ngayon lang s'ya nakapag-aral ulit. Luko becomes more masculine and fit, at magiging teacher ni Seven si Luko. si Luko na may lihim na pagnanasa at pagtingin para kay Seven at gagawin n'ya ang lahat para maangkin ang binatang si Seven.

Luko: "I'm going to make you realize that you don't need a girl in your life but me!"

chap-preview
Free preview
Teacher Teacher
Naghiyawan ang lahat ng tumira ng 3 points si Luko at napakaganda ng pasok ng bola na nagpanalo sa team "Agela" "Luko!Luko! Luko! Luko!" hiwayan ng mga fans. "Luko! Luko! L,U,K,O Luko! Luko! L,O,V,E Luko! Luko!" hiyawan din ng mga cheer leaders na babae para kay Luko. Nang Matapos ang Game ay nagpunas ng tuwalya si Luko at nag lakad palapit kay Seven.Inabutan naman s'ya ni Seven ng isang battle ng tubig at tinangap naman 'yon ni Luko. Isang water boy si Seven sa grupo ni Luko, mapa practice game o mapa final game man. "Ang galing galing ng ginawa mo Luko." Nakangiting papuri ni Seven kay Luko. "So.. gusto mo na ba ako Seven?" seryosong sabat na tanong ni Luko sa binatang si Seven. Ngumiti si Seven kay Luko. "Oo naman gusto kita Luko, mabait ka magaling at masasabi ko na ikaw ang pinaka-kaibigan ko." Turan n'ya rito. "Yun lang?" muling tanong ni Luko kay Seven na para bang gusto pa n'yang makarinig ng higit pa roon. Saglit na nag-isip si Seven sa tanong ni Luko sa kanya. "Hmmm…. "gusto kita Luko" sagot niya sa binata. "Gusto Kita dahil ikaw ang hinahangaan ko, ikaw ang inspiration ko." aniya rito at napatitig si Luko sa mga ngiti ni Seven at parang uminit ang mukha ni Luko dahil sa itinuran ni Seven sa kanya. Natapos ang game at mas sumikat pa si Luko dahil sa pagkapanalo nito sa game at mas lalong dumami ang kanyang mga tagahanga. Valentine's Day ngayon at dumadagsa ang mga chocolate ni Luko mula sa mga babaeng my crush sa kanya,halos mapuno ang bag ni Luko pati ang table ng kanyang upuan ay halos mapuno na rin at may mga babae pa ang dumadagsa para sa kanya. Kumonot ang nuo ng Isang babae na kaklasi ni Luko at sinigawan n'ya ang mga babae. "Pwedi ba! Bumalik na kayo sa mga klase nyo o 'di kaya ay umuwi na kayo! dahil nakakaistorbo na kayo sa klasi ng may klase!" sigaw ng babae sa kapwa n'ya babae. "Ano ba ang problema mo!? Hindi naman Ikaw ang pinunta namin dito kaya umalis ka sa harapan namin gusto namin makita si Luko.!" Pagpapalag ng mga fans ni Luko,habang si Luko naman ay walang pakialam sa mga babae,but nga at hinarang ng kaklase n'ya ang mga babaeng nag uumpukan sa labas. Nais manuntok ng babaeng kaklase ni Luko sa mga kapwa n'ya babae dahil sa sobrang inis at pinagsarhan n'ya na lang ng pintuan ang mga ito at sumandal sa pintuan ng biglang my kumatok sa pinto. Muling naiinis ang babae at pabagsak na binuksan ng pintuan. "Ang ku….. " hindi na nakapag salita ang babae na si Rinma ng bumungad sa kanyang harapan si Seven. Para s'yang binuhusan ng maraming yelo dahil biglang nanlamig ang kanyang mga paa ng makita n'ya ang crush n'yang si Seven. Seven is a tall guy at mahaba ang buhok nito,matangos ang ilong at maliit ang mukha napakapogi nito, at napakaganda nito kung ihahalintulad sa babae. Napatingin si Rinma sa kamay ni Seven at may dala itong mga chocolate. "Cho- cho- chocolate? Si-sino ang nagbigay sa kanya n'yan? O may bibigyan ba s'ya? kasali ba ako sa mga aabutan n'ya?" tanong ng isipan ni Rinma. "Rinma" sambit ni Seven sa pangalan ng dalaga. "Huh..? Tinatawag n'ya ako?" muling sambit ng isipan ni Rinma habang titig na titig sa naka ngiting mukha ni Seven."Ba-bakit Seven?" aniya sa binata. "Rinma,padaan." Ani pa nito sa dalaga. Nadismaya naman ang Mukha ni Rinma sa sinabi ni Seven, ang buong akala n'ya ay may pa chocolate s'ya mula rito.At binigyan n'ya ng daan si Seven. "Salamat Rinma." aniya sa dalaga at humakbang palapit kay Luko. "Para sa'yo Luko" sabi n'ya sa binata at inilapag ang anim na chocolate sa bangko nito . "Saan to galing Seven? may para ba sa akin ba dito galing sa'yo?" aniya rito. "Huh?eh…. galing yan sa mga babaeng nasa labas nakiusap lang sila sa akin na Ibigay yan sayo, perooo wala akong chocolate para sa'yo dahil alam ko naman na marami ang magbibigay n'yan sa iyo at wala rin akong pera pambili." Napabuntong hininga naman si Luko na tila parang malungkot at nakita 'yon ni Seven. "Luko my problema ba?" Inosinting pang-uusisa n'ya sa binata. "Wala naman Seven,wag mo na akong intindihin." Malungkot na saad nito kay Seven. "Sigurado ka Luko? pero sige kung ayaw mo muna magsabi ayos lang." aniya kay Luko at tumalikod na s'ya rito pabalik sa kanyang upuan ng biglang nabanga si Seven ng kanyang mga kaklasing malapit ng mag suntukan dahil sa simpleng bangayan. Napa-atras si Seven dahil sa lakas ng pagkabanga at napasalampak s'ya ng upo sa mga hita ni Luko.at sa sobrang pagaaway ng mga kaklasi nila ay umatrass pa ang mga ito at nabanga nila ang upuan ni Luko dahilan upang matumba sina Luko at Seven kasama ng Upuan. Sinikap ni Luko na huwag mabagok ang ulo ni Seven subalit biglaan ang lahat at biglang naglapat ang kanilang mga labi. Dilat mata at namumulang mga pisngi ang gumuhit sa mukha ng dalawa at nagkatitigan pa silang dalawa habang naglalapat ang kanilang mga labi. Natigil ang mga nag aaway napa-nganga ang lahat mapa-babae o lalaki ng makita ang dalawa sa ganoong ayos. mabilis na kumawala ang dalawa sa isa't-isa. "That's my first kiss Seven." sambit ni Luko. Nag pantig ang tinga ng mga babae sa narinig. "Seeeeeeeeeeeeevvvvven!!!!" sigaw ng mga ito. Akmang susugurin ng mga kababaihan si Seven ng biglang dumating ang kanilang supervisor at sabay sabay ang mga ito na napatingin sa pintuan. "Anong kaguluhan ang nangyayari rito?" nakakanginig tuhod na sambit ng supervisor sa kanila. "Go back to your sits!" mariing utos nito sa mga kabataan. Sumunod naman ang ito at nakahinga ng maluwag si Seven dahil ligtas na s'ya mula sa kababaihan at agad ng nag umpisa ang klasi. Habang naglelecture ang kanilang Supervisor ay hindi mawala wala ang titig ni Luko kay Seven,habang si Seven naman ay wala sa sariling hinahapuhap ang kanyang labi at ang halik na nangyari sa kanila ni Luko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Love In The Moonlight (BXB)

read
30.4K
bc

JARED'S ESTRANGED MATE(book two chronicles of Her Grace)

read
568.9K
bc

I Hate You... But I Lied

read
40.3K
bc

Purr-fect Match

read
6.5K
bc

An Omega's Confused Heart

read
23.0K
bc

My Domme Teacher (A lesbian BDSM Story, Completed)

read
134.1K
bc

IN LOVE WITH AN UNDER LORD ( MxM )

read
114.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook