Chapter 5: Mitchell

2029 Words
"Ano na? Payag ka ba o hindi?" tanong sa akin ni Cath, nang hindi na ako nagsalita pagkatapos n'yang sabihin ang ipapagawa n'ya sa akin kapag natalo ako. Natulala na ako sa isipin na ako, kakain ng ganun. My gosh, parang lalagnatin ako eh, wala pa nga. "Sige, kapag natalo ka bibigyan pa kita ng five thousand," sabi n'ya 'uli, "wala kang katalo-talo rito bespren." Tumingin ako sa kanya at nag-isip. Iniisip ko kung bakit ba parang gustong-gusto n'yang pakainin ako ng ganun. "Ayoko," sabi ko. I dribble again, bago ko itinira ang bola sa ring. Shoot, 3 points 'yun kung nasa totoong laro. "Bakit naman? Natatakot ka?" sigaw n'ya sa akin. Med'yo malayo kasi ako sa pwesto niya dahil kinuha ko ang bola. Hindi ako sumagot o nag-react man lang. "Wow! For the first time natakot ang isang Mitchell Mariano, isa sa pinakamagaling na player ng basketball sa isang pustahan," sabi nya, "Kailan ka pa naging weak, bespren? Nasaan na ang angas mo kanina lang?" Hayst! Magaling ako pero paano kapag natalo ako? Hindi ko yata kayang gawin ang gusto n'yang ipagawa sa akin. Nag-dribble ulit ako ng bola habang nag-iisip. Sayang din kasi ang pera na makukuha ko kapag nanalo ako at kahit matalo. "Ano na bespren? Deal or no deal?" tumingin ako kay Cath, na ngayon ay seryoso na nakatingin sa akin habang naghihintay ng sagot ko. Huminga ako ng malalim. "Okay, deal." Ngiting-ngiti si Cath nang marinig ang sagot ko, napasuntok pa sa hangin sabay sabi ng yes. Napailing na lang ako dahil sa naging reaksyon n'ya, daig pa n'ya ang sinagot ng nililigawan. "Let's start na. Toss coin tayo kapag tao, sa'yo ang bola. Tumango ako. Kahit sanay ako sa larong ito, kinakabahan pa rin ako. Kung magaling ako dapat mas galingan ko dahil puri ko ang nakataya este dila ko pala ang nakataya. Kumuha s'ya ng barya sa bulsa. Tumingin muna s'ya sa akin, bago inihagis ang barya at sinalo bago inilagay sa ibabaw ng palad n'ya. Dahan-dahan n'ya na inalis ang kamay n'ya na nakatakip sa barya, revealing of the coin. Napangiti ako dahil mukhang aayon sa akin ang laro. "Good luck sa atin," sabi ni Cath. Ipinasa n'ya sa akin ang bola na may ngiti pa rin sa labi n'ya. Sinimulan ko ng i-dribble ang bola, kaagad naman akong binantayan ni Cath. Atras abante ang ginawa kong pag-dribble ng bola at sa bawat galaw ko nakasunod talaga si Cath sa akin. Sobra ang depensa n'ya talaga na parang tunay na laro itong ginagawa namin. Pero sabagay hindi ko s'ya masisisi dahil ang laki ng pusta n'ya rito sa laro namin. Isa pang abante ang ginawa ko at sumunod agad si Cath kaya umatras ako sabay tira ng bola. Shoot! Walang mintis. Mayabang na pinagpag ko ang ilong ko kay Cath habang nakangiti. "Nagsisimula pa lang ang laban," sabi n'ya at nag-dribble na ng bola. Tumakbo s'ya kaya humabol agad ako. Balak n'ya atang mag-lay up dahil palapit sa ring ang gusto n'ya at hindi ko s'ya papayagan. Panay ang dibble n'ya ng bola, nandito na kami sa ilalim ng basket. Tumalon si Cath para mag-jump shot kaya tumalon din ako para i-block ang kanyang tira pero hindi ko na 'yun inabot pa kaya, nakapuntos s'ya. "Panis," sabi n'ya at mayabang na nagpagpag ng balikat. Natatawa na lang ako sa aming dalawa dahil sa payabangan namin. Kung gagawin namin ito sa ibang laro baka kanina pa nagkasuntukan dito sa court. Matindi ang laban namin ni Cath, seryoso talaga kami at walang may gustong matalo kaya naman dikit na dikit ang laban. Tabla kami sa puntos na 8-8, pero lamang ako dahil sa akin ang bola ngayon. Binilisan ko ang pag-dribble ng bola dahil ang bilis din ng kamay ni Cath, kanina at ilang beses n'ya nakuha ang bola sa akin mabuti na lang at nakukuha ko ulit iyon. Ngayon ko lang nakitang lumaro si Cath ng ganito sa lahat ng naging laro namin, parang sobrang pinaghandaan n'ya ang araw na ito o talagang pinagbibigyan lang n'ya ako noon sa mga laro namin. Itinira ko ang bola habang nakapwesto ako sa rainbow line. Napangiti ako ng tumalon si Cath para i-block ang tira ko dahil alam kong hindi n'ya iyon maaabot. "What the f*ck!" sabi ko ng ma-block n'ya ang tira ko at makuha ang bola. Dali-dali akong humabol para kunin sa kanya ang bola. "9-8," hinihingal n'yang sabi sa akin ng mai-shoot n'ya ang bola na galing sa akin. Napalunok ako ng laway, pawisan na ako pero parang mas pinagpapawisan ako lalo dahil lamang na s'ya sa akin ng isang puntos. Habang nagdi-dribble ay pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil abot-abot ang kaba na nararamdaman ko ngayon. Parang gusto kong sumigaw at mag-mura dahil ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Sa mga laro kasi namin kahit na last 1 minute na ang laban at dehado kami ng isang puntos ay never akong kinabahan dahil malakas ang tiwala kong kaya namin habulin iyon kaya naman nagtataka ako kung bakit ganito na lang ang kaba ko. Bantay sarado ang bawat galaw ko ni Cath, pinadaan ko sa mga hita ko ang bola habang mabilis ang pagdi-dribble ko sa bola. Tumalon ako at aktong ititira ang bola para i-fake si Cath, na kinagat naman n'ya, at tumalon kasabay ko. Pagbaba ko mula sa pagtalon ay agad akong pumunta sa likuran n'ya at saka itinira ang bola. "Not so fast bespren," sabi niya sabay tapik ng bola na itinira ko. Napanganga ako dahil sa bilis ng pangyayari. Hindi ko alam kung paano s'ya nakakilos ng ganun kabilis at na-block ang tira ko. "10-8 bestpren," sabi n'ya sa akin na malaki ang ngiti sa labi. Inihagis n'ya sa akin ang bola na sinalo ko naman agad kahit na parang lutang pa rin ako. T*ngina talo ako! Paano ako natalo? Inihagis ko ang bola dahil sa sobrang pagka-frustrated ko. "Walanghiya ka talaga, Mariano!" isang sigaw ang ang narinig namin sa kabuuan ng basketball court kung saan kami naroon. Hinanap ko kung sino ang taong may gawa nun at literal na napanganga ako dahil nakita ko si Anastasia na basang-basa ang damit at may umaagos pa sa mukha na kulay pink na likido. "Mapapatay talaga kitang babae ka!" nanlilisik ang mata n'ya sa akin habang sinasabi 'yun. Dahil sa itsura n'ya ay nakalimutan ko na ang nangyaring pagkatalo sa akin. Halos sabay kaming lumapit kina Anastasia at sa kasama n'yang dalawang babae. Kung hindi ako nagkakamali sila rin ang kasama n'ya sa mall at doon sa canteen noon. "Bakit ako na naman ang sinisisi mo d'yan sa nangyari sa'yo?" tanong ko. Pinagmasdan ko ang itsura n'ya at parang gusto kong matawa. Mukha s'yang bata na amusin. "Nagtatanong ka pa? Kung hindi ka ba naman tanga, basta ka na lang naghahagis ng bola ng hindi tinitingnan kung may tatamaan ka o wala!" gigil na sabi n'ya at aktong susugurin ako na agad naman naagapan ng mga kasama n'ya. Tumingin ako sa baba at nakita ko nga ang bola na ginagamit namin kanina ni Cath, katabi niyon ang baso ng shake na iniinom siguro ni Anastasia. Napakamot ako ng ulo at guilty na tumingin kay Anastasia na nagpupunas ng mukha gamit ang isang panyo. Masama pa rin s'yang nakatingin sa akin. "Sorry. Hindi ko naman sinasadya, dahil ang alam ko naman kami lang dalawa ang nandito," sabi ko. "Puro ka na lang sorry! Ilang beses mo ba balak akong basain palagi ng iniinom ko?" sabi n'ya at gigil na naman susugod. Inawat lang s'ya ng kaibigan kaya tumigil ulit s'ya. "Sorry na. Hindi ko talaga sinadya," inabot ko sa kanya ang panyo dahil kita kong basa na ang ginagamit n'ya na pampunas. "Hindi ko kailangan 'yan, l*tche ka!" Ibinato n'ya sa akin ang panyo ko at tumama iyon sa mukha ko. "Ang arte mo! Ikaw na nga binibigyan ng panyo ayaw mo pa! Kasalanan ko bang t*nga ka at hindi ka marunong umilag?" napipikon na sabi ko. Badtrip s'ya! Sarap n'ya tadyakan sa mukha! "Aba ikaw pa matapang ngayon? Ayaw ko ng panyo mo dahil baka may germs pa 'yan!" sabi n'ya sa akin. Ako naman sana ang susugod dahil nakakainis na lagi n'ya akong hinahamak sa estado ng buhay ko. "Hep! Tumigil na nga kayo," awat ng kasama ni Anastasia. Hinawakan din ako ni Cath sa balikat para pakalmahin. "May dala akong damit sa kotse, palit ka na lang mamaya," sabi ng kasama ni Anastasia, bago bumaling kay Cath. "Sorry na late kami ng dating, ang bagal kasing kumilos ng kaibigan namin." "Ayos lang Irene," nakangiting sagot ni Cath, "By the way, si Mitchell, best friend ko, siya 'yung kinukwento ko sa'yo, sa in'yo ni Irish." "Hi, finally na meet din kita," sabi ni Irene sa akin ng nakangiti sabay abot ng palad n'ya para makipagkamay. Kaagad ko 'yun inabot. "Hi, classmates kayo ni Cath?" Tumango s'ya sa akin at titig na titig. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi mailang. Nako-concious ako. "Hi, I'm Irish," pakilala naman ng isa pa nilang kasama. Iniabot din n'ya sa akin ang kamay n'ya. "Ito naman si Anastasia, best friend namin, Asia, si Catherine classmate namin." "Hi Anastasia, ang ganda mo nga pala, hindi naman pala nagkamali sina Irene sa pagkukwento sa'yo," nakangiti na sabi ni Cath, inilahad din n'ya ang kanyang kamay para makipagkamay. "Thank you," nakangiting sagot ni Anastasia nang abutin ang kamay ni Cath, "Mabuti ka pa matino. Bakit mo naging best friend 'yan?" Sinimangutan ko si Anastasia at inirapan dahil sa sinabi n'ya. "Wow ha! Nahiya naman ako sa tanong na meron ka. Hindi ka rin bagay maging kaibigan n'yang mga kasama mo dahil mukha kang palengkera," gigil kong sabi sa kanya. Malapit na talaga akong magkaroon ng mataas na blood pressure dahil sa impaktang babae na 'to. "Tumigil na nga kayo, para kayong aso at pusa kapag magkikita kayo. Paano ba kayo nakaka-survive maging magkaklase sa araw-araw?" natatawang tanong ni Irish sa amin. Hindi naman sumagot si Anastasia kaya hindi na rin ako sumagot. "Tayo na, mag-bonding muna tayo," sabi ni Irene, sa akin s'ya mismo nakatingin. "Ano bang meron at kanina pa n'ya ako tinitingnan?" tanong ko sa isip ko. Naiilang na kasi ako. Hindi ako sanay na may bagong kakilala tapos panay ang tingin sa akin. "Sige tara, magmerienda muna tayo, treat ko," sabi naman ni Cath. Lumabas na kaming lahat ng court, at naglakad papunta sa kotse. "Convoy na lang tayo papunta sa Mcdee," sabi ni Cath na sinang-ayunan naman ng tatlong magkakaibigan. "Small world talaga ano, bespren? Akalain mo na ang babaeng lagi mong kinukwento sa akin ay kaibigan pala ng mga bago kong friends," sabi ni Cath. Nasa b'yahe na kami papunta sa fast food chain. Natatawa ako sa way ng pagsasalita ni Cath, parang pa kengkoy na ewan. "Oo, mabuti na lang at 'yung mga kaibigan n'ya ay hindi kagaya ng ugali ng babae dragona na 'yun," nakangusong sagot ko. Kumukulo na naman dugo ko sa matapobre na 'yun. Kapag ako talaga yumaman who you 'yun sa akin. "Oo, mabait ang dalawang 'yun, pero magkaiba sila ng ugali," sabi n'ya, "Si Irish, mabait na strict samantalang si Irene, napaka-adventurous." Napatingin ako kay Cath, dahil sa sinabi n'ya about kay Irene. "Paanong adventurous naman?" curious kong tanong. Ngumiti si Cath, at sumulyap sa akin saglit bago muling ibinalik sa daan ang focus. "Adventurous. Gusto n'yang subukan lahat ng pumupukaw sa interes n'ya, kahit pa gaano 'yun kakaiba para sa karamihan," sagot n'ya sa akin. Tumango-tango ako sa sagot n'ya. "Bakit parang interesado ka kay Irene?" tanong n'ya sa akin. "Hindi naman, napansin ko lang kasi na kanina pa s'ya tingin nang tingin sa akin. Hindi ko naman sinabi na masama na tingnan ako pero ewan ko ba, parang may iba sa paraan ng pagtingin n'ya sa akin," sagot ko. Humalakhak si Cath, kaya napatingin ako sa kanya. "Ganun ang tingin sa'yo ni Irene dahil sinabi ko sa kan'ya na ikaw ang kakain sa kan'ya." "Kakain?" kunot noo na tanong ko, bago nanlalaki ang mga mata na bumaling sa kanya ng mag-sink in sa akin ang ibig niyang sabihin. "Tahong ni Irene, ang kakainin ko?" Tumango si Cath habang tumatawa sa reaksyon ko. Gosh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD