"Ano ba, kumain ka na nga d'yan! Ako ang matutunaw sa ginagawa mo eh," sabi ko kay Irene.
Nandito pa rin kami sa Mcdee at kanina pa n'ya ako pinagmamasdan habang hindi nabubura ang ngiti n'ya sa labi.
"Don't worry, kagaya mo willing din akong dilaan ka," sabi n'ya sabay kindat sa akin.
Pakiramdam ko ang init ng pisngi ko. Naman kasi! Mamamatay na nga ako sa hiya tapos gan'yan pa s'ya.
Humalakhak s'ya. Halakhak na ang hinhin lang hindi kagaya ng halakhak ng iba na akala mo hindi babae.
"Ang cute mo Mitchell, pwede na ba kitang iuwi?" sabi n'ya at pinisil ang isang pisngi ko.
" Kapag hindi ka tumigil, uuwi na lang ako," nakangusong sabi ko.
"Oo na po, titigil na," sabi n'ya. Uminom s'ya ng float n'ya. "Kain muna tayo bago natin pag-usapan 'yung alam mo na."
Tumango lang ako. Hindi ko pa talaga alam kung paano magsalita sa kanya about sa gagawin namin.
Kumain lang kami ng tahimik, minsan na papasulyap ako sa kanya at malimit ko siyang mahuling nakatitig sa akin kaya kaagad akong nagbabawi ng tingin. Nahihiya talaga ako.
"So, about sa pustahan n'yo ni Cath, alam mo naman na sa akin mo gagawin 'yung consequence ng pagkatalo mo, 'di ba?" tanong n'ya nang matapos kaming kumain.
Nandito pa rin kami sa Mcdee. Kaunti pa lang naman ang tao kaya ayos lang na hindi muna kami umalis kahit tapos na kaming kumain.
"Oo, sinabi rin n'ya sa akin noobg papunta kami rito sa Mcdee noong sabado," sagot ko.
Tumango s'ya. "So wala ka man lang bang tanong sa akin tungkol doon?"
Napaisip naman ako sa sinabi n'ya. Madami akong gustong itanong sa totoo lang. Hindi ko lang alam kung alin ang uunahin ko.
"Hey! Okay ka lang?" sabi n'ya sabay pitik sa harapan ng mukha ko. "Natulala ka na."
"Sorry. Iniisip ko lang ang itatanong ko sa'yo," sabi ko. Tumango s'ya habang naghihintay pa ng sasabihin ko. "Bakit gusto mong subukan 'yung ganun?"
"Aling ganun?" tanong n'ya na nakangiti. Sumimangot ako dahil alam ko na alam n'ya ang tinutukoy ko, pinagti-trip-an na naman n'ya ako. "Joke lang, ang seryoso mo masyado."
Pinaikutan ko lang s'ya ng mata. "Bakit nga kasi?"
"Wala. Gusto ko lang maranasan dahil curious ako," kibit balikat na sagot n'ya.
"Okay. So, bakit hindi na lang si Cath ang pagawain mo? Bakit kailangan pa n'yang humanap ng gagawa para sa'yo?" tanong ko.
Kasi naman, hindi pa rin ako makapaniwala na natalo ako ni Cath sa laro. Sabi n'ya sa akin sobrang nag-practice raw s'ya at talagang pinursige n'ya na matalo ako sa laro para sa isang friend n'ya.
Sabi ko pa nga ang sama n'ya kasi ako ang best friend n'ya tapos ilalagay n'ya ako sa ganun sitwasyon para lang sa bagong kaibigan. Nasaan naman ang hustiya, 'di ba?
Kaso ang sagot n'ya sa akin ay dahil daw hindi s'ya naniniwala na straight ako kaya tutulungan lang daw n'ya akong mas mapabilis ang pagtuklas ko sa sarili ko.
Oh, 'di ba, marunong pa s'ya sa akin. Sarap pektusan sa ngala-ngala.
"No, ayaw ko kay Cath, masyado na 'yung madaming experience. Baka manyakin ako ng babae na 'yun ng sobra," sagot n'ya na natatawa.
Pati ako natawa sa sinabi n'ya. May punto naman s'ya roon. Masyadong maloko si Cath.
"Kitam! Pati ikaw natawa dahil alam mo na tama ako," sabi n'ya.
Nagkibit balikat lang ako. "So mas okay sa'yo ang kagaya kong walang alam?"
Tumango s'ya. "Yes, at least parehas tayong inosenti."
"Hindi ka nakakasigurado na inosenti ako," pang ba-bluff ko sa kanya. Baka sakaling umurong na s'ya.
"Sigurado ako. Cath, told me na wala ka pang experience na kahit ano," sabi n'ya.
Masasapak ko talaga ang babae na 'yun. Ipagsabi raw ba na wala akong experience. Kaloka! Ano pa kaya ang sinabi n'ya rito kay Irene?
Huminga ako ng malalim dahil may last question ako para sa kanya.
"Okay, s-saan naman natin 'yun g-gagawin?" med'yo nauutal pang tanong ko.
"Ang cute mo talaga. Ang s'werte ko naman dahil ako ang unang dudumi sa utak mo," tatawa-tawa na sabi n'ya.
Napairap na naman ako. Ang dami n'yang sinasabi. Ayaw na lang kasing sumagot, gusto ko ng umuwi.
"Dami mong daldal teh. Saan ba kasi?" naiinis na tanong ko.
"Ayiee! Atat na atat s'ya," sabi n'ya at sinundot-sundot pa ang braso ko.
Tumayo ako para umalis dahil naiinis na ako talaga. Nahihiya na nga ako tapos puro pa s'ya kalokohan.
"Saan ka pupunta?" sabi n'ya. Hawak n'ya ako sa braso. "Nagbibiro lang ako, ang pikon mo po."
"Nakakainis ka kasi. Tara na, sa kotse mo na lang tayo mag-usap," sabi ko at nauna ng naglakad palabas sa kanya.
Pinindot n'ya ang lock ng kotse n'ya kaya pumasok na ako agad sa loob.
"Sorry na. Huwag ka ng magalit," sabi n'ya.
Huminga muna ako ng malalim bago sumagot. "Hindi naman ako galit, nainis lang ako dahil puro ka kalokohan eh, nahihiya na nga ako sa'yo kanina pa."
"Sorry na nga po," sabi n'ya, "Okay, about doon sa tanong mo, saan mo ba gusto? Sa hotel?"
Hotel? Nakakahiya kapag may nakakita sa amin doon. Dalawang babae pumasok sa hotel? Ay wait! Hotel ba at motel ay parehas?
"Hotel? Motel 'yun hindi ba? Nakakahiya kapag may nakakita sa atin na pumasok doon," sabi ko. Nanlalaki pa yata ang mata ko habang sinasabi 'yun sa kanya.
"Bakit ba ang cute mo?" nakangiti n'yang sabi sa akin. Napairap na naman ako sa kanya. "Mukhang hindi ka komportable sa hotel, sa condo ko na lang tayo. Don't worry walang makakakita sa atin doon."
Tumango ako. Iba talaga kapag anak mayaman, may mga condo na silang sarili. Si Cath kasi meron na rin at doon n'ya palagi dinadala ang mga babae n'ya. Napaka-playgirl ng babae na 'yun.
"Sige. Ahm, kailan ba natin g-gagawin?" nautal na naman ako.
"Okay lang ba sa'yo na sa Sunday na?" parang nag-aalalangan pa na tanong n'ya.
"Sige okay lang," sagot ko, "Anong oras ba?"
Hindi s'ya agad sumagot at parang nag-iisip pa.
"Okay lang ba kung mga lunch? Bonding muna tayo. Ang pangit naman yata kung ganun agad ang gagawin natin," natatawa n'ya na sagot sa akin.
Natawa naman din ako. Tama naman s'ya. At least kung magba-bonding muna kami kahit siguro paano mababawasan ang ilang na nararamdaman ko.
"Sige," sagot ko na nakangiti.
Pinaandar n'ya na ang kotse n'ya. Akala ko ihahatid n'ya ako sa university 'uli pero hindi pala.
"Paano mo nalaman kung saan ang bahay namin?" tanong ko ng tumigil kami sa tapat ng bahay namin.
Mabilis lang naman ang naging b'yahe dahil wala naman masyadong traffic kanina.
"Kay Cath," nakangiti na sagot n'ya sa akin.
"Ah okay," sagot ko at ngumiti rin. Ang daldal talaga ng babae na 'yun palibhasa haros na ang isa n'yang bunganga. "Sige, salamat sa paghatid. Ingat ka pauwi."
Tumango s'ya sa akin. "Sunduin na lang kita sa Sunday."
"Sige," sagot ko bago bumaba ng kotse n'ya. Kumaway ako sa kan'ya bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay namin.
"Nay! Nandito na po ako," sigaw ko pagpasok ko sa loob ng bahay namin.
"Susme areng batang ere! Bakit ba kailangan mo pang sumigaw? Ang sakit sa tenga," sabi ni Inay ng lumabas mula sa kusina namin.
Kinuha ko ang kamay ni Inay at nagmano.
"Para po alam n'yo na agad na nandito na ako," sagot ko, " Si Tatay po pala at saka si Kuya?"
"Si kuya mo ay kanina pa nakaalis, pang- gabi 'yun, nakalimutan mo na?" sabi ni Inay, "Ang Tatay mo naman ay may kinukuha sa kapit-bahay na lagari. Hiniram kasi nila noong nakaraan pa tapos hindi marunong magsauli."
Napailing na lang ako sa sinabi ni Inay. Ganun nga ang mga kapitbahay namin, ang hilig manghiram pero hindi marunong magbalik. Tapos kapag hindi mo naman pinahiram, sasabihin agad ay madamot ka. Tsk!
"Bihis lang po ako Nay," paalam ko bago pumasok sa kwarto ko.
Nagbihis lang ako ng sando at short na hanggang kalahati ng hita ko ang igsi. Ito na 'yung pantulog ko.
"Bespren!" sigaw ni Cath paglabas ko ng kwarto. Nakaupo s'ya sa sala at umiinom ng kape.
Napasimangot naman ako sa kanya. Ano na naman kayang gagawin ng babaita na ito rito.
"Marites, ano na naman ang ginagawa mo rito?" tanong ko pagkalapit ko sa kanya.
"Marites? Sino 'yun?" naguguluhan na tanong n'ya sa akin. Kunot na kunot ang noo.
Pinipigilan ko na matawa sa itsura n'ya. Hindi n'ya pala alam ang mga ganito. Busy kasi s'ya masyado sa pambababae. Hanga nga ako sa kan'ya kasi wala na s'yang time lumaro sa university pero may time kapag babae ang usapan. Malibog!
Naupo ako sa tabi n'ya sabay batok sa kan'ya. "Ikaw 'yung tinutukoy ko g*gi ka!"
"Ako? Bakit ako? Hindi naman Marites ang pangalan ko," nakasimangot na sagot n'ya. Hawak ang ulo na binatukan ko.
"Marites, ibig sabihin chismosa ka! Bakit ba kung ano-ano ang sinasabi mo kay Irene?" asar na sabi ko.
Ngumiti s'ya sabay peace sign. "Nagkausap na nga pala kayo kanina. Ano kamusta naman?"
Nag-crossed arm ako. "Bakit alam mo na nag-usap kami kanina?"
"Nagpaalam kasi s'ya sa akin na kakausapin ka raw n'ya, s'ya na rin daw ang bahala na maghatid sa'yo, so sabi ko okay," nakangiti na sagot n'ya.
Hindi ako sumagot sa sinabi n'ya. Wala naman na kasi akong maisip na sabihin sa kanya.
"So kailan n'yo raw gagawin?" tanong n'ya na may nakakalokong ngiti.
"Secret! Walang clue!" sagot ko. Naiinis ako sa kanya. Sarap burahin ng ngiti n'ya.
Humalakhak ang bruha habang hawak ang t'yan n'ya. Masyado s'yang masaya. Ipanalangin ko kaya na sana mabulunan s'ya ng laway n'ya.
"Tawa pa. Baka kulang pa 'yung tawa mo na 'yun," sarcastic kong sabi sa kanya ng tumigil s'ya sa pagtawa. Nagpapahid s'ya ng luha sa gilid ng mata.
"Sorry. Natatawa lang talaga ako sa'yo," sabi n'ya, "Huwag mo kasing masyadong dibdibin bespren. Paano ka mag-e-enjoy kung ganyan ka?"
"Heh! Manahimik ka! Marinig ka pa ni Inay d'yan," sabi ko.
Tumayo ako para pumunta 'uli sa kwarto ko. Ang ingay kasi ng babae na 'to, baka marinig pa kami ni Inay.
Pagdating sa kwarto ko ay nahiga ako sa kama ko, tumabi naman sa akin si Cath at nahiga patagilid paharap sa akin habang ang ulo ay nakapatong sa kamay n'ya na ang siko ay nakatukod sa kama.
"Kinakabahan ako Cath," sabi ko. Hindi ako humaharap sa kanya.
"Huwag kang kabahan. Wala ka naman dapat ikakaba dahil parehas lang naman kayong dalawa na walang experience sa ganoong bagay."
"Kahit na, nahihiya talaga ako sa gagawin ko," sabi ko at humiga rin ng patagilid paharap sa kanya. "Wala akong kaalam-alam sa gagawin."
Natawa s'ya. "Madali lang naman matutunan 'yun bespren. Kapag kasi nandoon ka na at nasa harapan mo na, instinct na kusa mo na lang gagawin.
Instinct? Anong instinct naman kaya 'yun? Ano parang baby lang na kahit bagong anak kapag inilapit ang dede ng kanyang ina ay sususo na?
"Madali sa'yong magsalita kasi matakaw ka roon!" sabi ko sabay pitik sa noo n'ya.
"Matakaw ka d'yan! Hindi kaya, dahil kung matakaw talaga ako, ako muna dapat ang kakain sa'yo bago ang iba," sabi n'ya kaya pinaghahampas ko s'ya.
Napakabastos ng bunganga! Hindi man lang ako pinalampas sa kamanyakang taglay.
"Biro lang naman kasi," sabi n'ya. Nakaupo na s'ya ngayon sa kama pati ako. Tinitingnan n'ya ang mga barso n'ya na mapula dahil sa mga paghampas ko.
"Ewan ko sa'yo!" inis na sabi ko, kahit nakokonsensya ako dahil sa itsura n'ya, "Umuwi ka na nga."
"Taray nito, sige uuwi na ako pero pahiram muna ng cellphone mo," sabi n'ya. Kahit nagtataka ay binigay ko sa kanya ang phone ko.
Binuksan n'ya iyon pati ang cellphone n'ya, tapos may kung ano-ano na pinindot.
"Eto na Madam," sabi n'ya at iniabot ang cellphone ko. "Maya mo na lang tingnan pagkatapos n'yong kumain ng hapunan o bago ka matulog."
Napakunot naman ako ng noo sa kan'ya. "Bakit?"
"Basta, mamaya malalaman mo rin," sagot n'ya, "Sige na alis na ako at may date pa ako. Dumaan lang talaga ako para kumustahin ang lakad n'yo kanina ni Irene."
Lumabas na s'ya ng kwarto ko. Binuksan ko ang cellphone ko at tiningnan kung ano ba ang ginawa ng babae na 'yun. Pinindot ko ang recent apps at nakita ko ang video kaya pinindot ko 'yun.
Binuksan ko ang file na ipinasa n'ya para lang maihagis bigla ang cellphone ko sa kama.
Putanginang babae na 'yun! Pasahan daw ba ako ng bold.