Simula
Pilit kong hinihila pababa ang pulang mini skirt na ipinasuot sa akin ng manager ng bar kung saan ako um-extra. Sobrang ikli nito na kahit hindi ako tumuwad ay paniguradong sisilip ang panty ko. Unang beses kong magsuot nang ganito kaikling skirt. Pakiramdam ko'y sinisilipan ako ng sinumang nadadaanan namin.
"Ano ba, kanina ka pa hila nang hila sa skirt mo!" mataray na saway sa akin ng bading na manager. Tinaasan niya ako ng kilay at pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. "Kapag 'yan nasira, babayaran mo 'yan."
"W-Wala po bang medyo mahaba?" alanganing tanong ko. "Parang ang ikli po kasi sa akin."
"Beh, kung gusto mo nang mahabang palda, hala, pumunta ka sa kumbento ang manghiram ka sa mga madre," pabalang niyang sagot. "Baka nakakalimutan mong bar ito? Kailangan mong ibalandra ang katawan mo para mapansin ka ng mga customer."
Napayuko na lang ako sa sinabi niya. Tama naman siya. Pero, wala man lang bang maliit na konsiderasyon, lalo na't first time ko pa?
"Kung hindi lang talaga malakas si Greg sa akin, hindi kita papapasukin dito," pagtataray niya ulit. Si Greg ay pinsan kong nagtatrabaho bilang bouncer dito sa bar. "Tumigil ka na kakahila sa skirt mo. 'Pag ako napuno, huhubarin ko talaga 'yan at pagsusuotin kita nang mas maikli."
"P—"
"Ano, magtatrabaho ka ba o hindi? Kasi ibibigay ko na lang sa iba," pagtataray niya. Tinaasan niya ako ng kilay at tiningnan mula ulo hanggang paa. "Gamitin mo 'yang ganda mo para makabenta ka ngayong gabi o 'di kaya'y makabingwit ka ng bigating customer. Kailangan mo 'di ba ng pera?"
Marahan akong tumango saka naikuyom ang aking kamay.
Tama siya. Kailangan ko ng pera. Kaya kahit labag sa loob kong magtrabaho sa bar na 'to, ay pinasok ko pa rin dahil ito lang ang paraan para kumita ako nang malaking halaga. Hindi na ako pwedeng umasa sa part-time job ko, dahil kulang na kulang ang kinikita ko ro'n.
"Basta tandaan mo, landiin mo lang ang mga customer. Magpa-cute ka, mang-akit ka, at paniguradong bibigyan ka nila ng tip na mas malaki pa sa mabebenta mong sigarilyo," paalala niya sa akin. "Or kung gusto mo nang mas madaling paraan, magpakantòt ka—simple."
Hindi ko mapigilang mailang sa mga sinabi niya. Hindi ako sanay sa gano'n ka-direktang pananalita.
"O-Opo," sabi ko na lang dahil baka mahalata niya pang nagsinungaling ako kanina sa interview—na may karanasan na ako sa pang-aakit at paglalandi sa mga kalalakihan.
Pero ang katotohanan ay wala. Ni minsan ay hindi ko nasubukang kahit magpapansin man lang sa mga lalaki. Nasa pag-aarap at sakiting ina ko ang aking atensyon, kaya wala rin akong naging nobyo; NBSB.
"Sige na, magsimula ka na. Tandaan mo, kailangan mong maka-quota para makuha mo ang sahod ko. Kung hindi, tips lang ang mauuwi mo mamaya."
Tumango lang ako sa kanya saka huminga nang malalim. Humarap ako sa salamin sa huling pagkakataon. Kay ikli ng suot kong skirt, at sobrang sikip ng push-up bra na suot ko. Nagmumura sa lusog at bilog ang aking dibdib. Putok na putok ang make-up ko lalo na ang pulang lipstick ko.
Hindi ko mapigilang mamula dahil sa hiyang nararamdaman. Halos wala na akong suot. Halos ilantad ko na ang kahubdan ko. Unang beses kong magsuot nang ganito kaikling damit. Pero nilunok ko na lang ang pride ko saka ko kinuha ang sigarilyo at nag-practice kung paano ko ito ibebente mamaya sa mga customer.
Kailangan kong makalikom ng tip kahit dalawang libo man lang para sa medication ni Mama bukas.
“Sir, do you smoke?” malanding tanong ko saka mapang-akit na ngumiti sa salamin. Inarko ko pa ang balakang ko saka inilabas ang aking dibdib. “Sir...Do you smoke?”
Nakagat ko na lang ang labi ko kasabay ng pag-init ng aking mukha. Hindi ko kaya. Hindi ko talaga kaya.
“Girl, masyado kang halata,” biglang sabi ng isang babae sa akin. Mas maikli ang suot niya. Kulang na lang ay mag-bra at panty siya. “Masyadong rehearsed ang galaw mo. First time mo, ‘no?”
Nahihiya akong tumango. “Kailangan ko kasi ng pera.”
“Nako, it won’t work if focused ka lang masyado sa pera,” aniya saka inilahad ang kamay. “Jelly nga pala.”
Tinanggap ko ang kamay niya at matamis na ngumiti sa kanya. “Tahnia Francesca,” pagpapakilala ko rin. “But you can call me Taffy kung nahahabaan ka.”
“Nice to meet you, Taffy,” aniya saka inalis ang kanyang kamay. “By the way, balik tayo sa rason mo...”
Tumango ako saka bahagyang napanguso. “Iyon na nga...Medyo hirap talaga ako.” Napakamot na lang ako sa ulo ko. “Hindi ko alam kung paano gawin ‘yong mga sinasabi ni Manager kanina.”
“Mahihirapan ka talaga,” aniya. “Siyempre first time mo. Best tip? Be natural. Nahahalata ng mga customer na bago ka pa lang. They don’t like it if you’re faking it. Make them see and feel that you’re seducing them. Malay mo, suwertehin ka at may mag-take home sa ‘yo.”
“T-Take home?”
“Yes. Pero hindi literal na iuuwi ka. Mas safe na sabihingn ikakama ka. But girl, ‘yan ang sagot sa lahat ng problema natin; mas malaki bigayan diyan—lalo na talaga kapag sobrang yaman ng titira sa ‘yo.”
“N-Nako...” Alanganin akong ngumiti. “H-Hindi ko kaya ‘yang ganiyan. M-Magbebenta lang ako.”
“Dami ko nang narinig na ganiyan, pero in the end, nagpatira pa rin kasi mas madali,” aniya. “Pero nasa ‘yo ‘yan, Taffy. Ang tip ko lang sa ‘yo ay lapitan mo ang mga baguhang customer, ‘wag ‘yong matagal na rito kasi hindi ka na nila papansinin unless mas malandi ka pa sa mga nauna sa ‘yo. Para na rin hindi ka mapaaway. May mga warshock pa namang babae rito,” mahabang paalala niya.
“Paano ko ba malalaman kung bago pa lang ang customer?”
“Sa second floor, sa VIP lounge, mostly ng mga baguhan ay inilalagay namin sa dulo. Kaya doon ka mauna, okay?”
Tumango-tango ako. “Gano’n ba? Salamat, ha...”
“You’re welcome. Diyan din kasi ako nagsimula, kaya alam ko ‘yang nararamdaman mo. Pero best advice ko: magpakantòt ka. Siguraduhin mong maite-take home ka.”
Tanging alanganing ngiti lang ang naisagot ko sa kanya saka ko kinuha ang lalagyan ng mga sigarilyong ibebenta ko. Hindi ‘yon mangyayari—hinding-hindi ko ibebente ang katawan ko para sa pera. Walang presyo ang dignidad ko.