Kabanata 10

1415 Words
Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko habang bumabiyahe kami. Hindi mawala-wala sa isipan ko ang naging pag-uusap namin ni Sebastian. Mas lalong dumami ang katanungan sa isipan ko. Nakagat ko na lang ang labi ko habang nakatingin sa labas. I couldn't afford to stare at his reflection, dahil sa tuwing tumitingin ako sa kanya ay nagtatagpo ang mga mata namin, it was as if he's waiting for me to lock eyes with him. Tàngina. Mamamatay yata ako kakaisip nito. I have to confirm everything. I have to hear it from him. I need to know if he really remembers me, or else I'll spend the whole night overthinking. "Anak, ayos ka lang ba?" tanong ni mama sa akin. "Yes, 'ma. Bakit?" "Pansin ko kasing tahimik ka kanina pa." "Pagod lang, 'ma. Kailangan ko lang ng pahinga," sagot ko saka pasimpleng tiningnan si Sebastian. "Gano'n ba? Malapit na rin naman tayo." "I already called the maids to prepare your room," pagsali ni Sebastian sa usapan. "You can go directly to your room once we get home." Tumango lang ako at hindi na sumagot pa. Ibinaling ko rin sa labas ang tingin ko. At maya-maya pa'y huminto kami sa tapat ng isang napakalaking gate na may apat na gwardiyang nakabantay. Hindi na ako nagulat pa. His family has been in politics for decades. Alam kong hindi na nakakagulat ang yaman nila. Hindi na ako nasorpresa nang pagkabukas ng gate ay bumungad ang isang mahabang daan. Ilang minuto pa ang binyahe namin bago kami tuluyang huminto sa tapat ng isang napakalaking kulay puting mansyon. Nagkalat din ang mga armadong kalalakihan sa paligid. Their security is really tight. No one would surely dare to trespass this place. Dumiretso kami sa garahe kung saan nakita ko ang hilera ng mga mamahaling sasakyan. I don't have to ask to know they're expensive. Porma at dating pa lang, alam mo na talagang milyon-milyon ang halaga. I don't even think nagagamit niya lahat. "We're here," aniya saka niya tinanggal anh seatbelt niya at naunang lumabas ng sasakyan. Pinagbuksan niya kami ni mama. Pagkalabas namin ay agad kaming nilapitan ng mga kasambahay at kinuha ang mga dala namin. "Take her to her room," utos ni Sebastian sa isang kasambahay at mabilis naman itong tumalima at lumapit sa akin. Pagkapasok namin sa loob ng bahay ay una kong napansin ang napakaaliwalas na living room. Agaw-pansin din ang nagmumurang ginintuang chandelier na nakapwesto sa gitna ng magkatapat na grand staircase na nilapatan ng pulang carpet. Napakayaman. Iyan lang ang nasa isipan ko habang iginagala ang mga mata sa paligid habang umaakyat sa hagdan. Naghanap ako ng family portraits, pero wala. "Kayo po ba ang anak ni Ma'am Luiza?" tanong sa akin ng kasambahay. "Oo, ako nga," sagot ko at matamis na ngumiti sa kanya. "Bakit mo naitanong?" "Wala lang po," aniya at tipid na ngumiti. "Nga pala, pansin ko lang, wala yatang ibang tao rito bukod sa inyong mga kasambahay?" pag-iiba ko sa usapan. "Personal na bahay po ito ni Gov. Nasa kabilang mansyon po ang mga magulang at kapatid niya," sagot niya sa akin. Tàngina. Gaano ba kayaman 'tong Sebastian na 'to? "Dito po tayo," aniya at ginabayan ako. Ilang pinto pa ang nilagpasan namin bago kami tumigil sa pinakadulo. "Si Gov po mismo nagsabi na dito kayo," aniya saka binuksan ang pinto. Unang nakita ko ay ang malaking canopy bed na gawa sa kahoy at ang malaking bintana kung saan kitang-kita ko ang view sa labas ng mansyon. "May kailangan pa po ba kayo, Miss Tahnia?" tanong ng kasambahay saka inilapag ang gamit ko sa kama. "Wala na. And please, Tahnia na lang po," nahihiyang saad ko saka tipid na ngumiti sa kanya. "Sige po, aalis na po ako." Tumango lang ako saka ko iginala ang aking mga mata sa kwarto. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Everything feels like a freaking dream. Oo, hinangad kong sana'y magtagpong muli ang landas namin ni Sebastian, pero hindi ko naman inasahang sa ganitong pagkakataon siya matutupad. Napabuga na lang ako ng hangin saka ko kinuha ang damit pantulog ko at nagtungo sa banyo. Pagkapasok ko ay napatingin na lang ako sa loob ng banyo. Even the bathroom screams luxury. Kulay puti at itim ang tema ng banyo. May malaking itim na bathtub sa gilid at sa sulok naman ay ang shower room na transparent na salamin ang pader. The bathroom is almost the size of a regular house. Gusto ko sanang ilubog ang katawan ko sa bathtub, pero sobrang pagod na talaga ng pakiramdam ko at gusto ko na lang matulog, kaya naman nag-shower na lang ako. Suot-suot ang itim ba bathrobe ay lumabas ako ng banyo, at kamuntik na akong mapatalon sa gulat nang makita ko si Sebastian na nakaupo sa kama. Agad kong inayos ang robang suot ko nang mapatingin siya sa akin. "A-Anong ginagawa mo rito?" tanong ko habang pilit na ikinakalma ang sarili ko. "I came to check on you," kaswal niyang sagot saka niya ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. "Was wondering if this room was to your liking," dagdag niya saka siya tumayo at nagsimulang humakbang palapit sa akin. Napaatras ako. Hindi ko mapigilang maasiwa sa tingin niya. Pakiramdam ko'y nilulunod niya ako sa mga titig niya. No. Hindi lang basta-bastang nilulunod kundi hinuhubaran. "A-Ayos lang ako rito, gov," kinakabahang sagot ko saka ako pasimpleng umiwas ng tingin sa kanya. "S-Si mama, nasaan siya?" Hindi siya sumagot agad. Tumingin lang siya sa akin. But it wasn't just a simple look. He gave me a teasing gaze with a devilish smirk as if he's enjoying whatever he's trying to pull off. "She's already in her room," pabulong niyang sabi habang patuloy pa ring lumalapit. "O-Okay—" Hindi ko na natapos ang sana'y sasabihin ko nang dumikit na ang likod ko sa pader ng banyo. Agad niyang idinikit ang magkabilang palad niya sa pader para ikulong ako. His towering build caged my tiny body with ease. "A-Anong ginagawa mo, gov?" mahinang tanong ko. "What are you trying to do?" Ngumisi siya sa akin. "Take a guess." Napalunok ako. Huminga ako nang malalim saka siya pilit na itinulak. "W-Whatever it is, stop it. Kung may makakita sa atin ngayon, panigurado akong iba ang iisipin nila," matapang kong sabi. "Well, no one's gonna come here anyway," bulong niya. "I made sure to give you the furthest room so no one would pass by," dagdag niya pa sa pabulong na boses. Hindi ko napigilan ang pagtindig ng balahibo ko. Ano sa tingin niya ang ginagawa niya? He's marrying my mother, and he's acting like this to me—sa akin na anak ng mapapangasawa niya? Is he out of his freaking mind? "G-Gov, tumigil ka na," saway ko sa kanya. Pilit kong binuo ang boses ko. "Sa tingin mo ba magugustuhan 'to ng mama ko kapag nalaman niya?" "She doesn't have to know, Tahnia," bulong niya sa akin habang idinidikit ang katawan niya. "At isa pa, that's not our concern right now. Our real concern is that..." Tumingin siya nang diretso sa aking mga mata, "...do you like what we're doing right now, hmm?" Naikuyom ko ang kamay ko. Huminga ako nang malalim saka siya masamang tiningnan. "Tumigil ka na!" Tinaasan ko ang boses ko para takutin diya. "Kung ayaw mong tumigil, sisiguraduhin kong makakarating 'to sa mama ko!" Ngumisi lang siya sa akin saka siya humakbang palayo at itinaas ang dalawang kamay sa ere. "Fine, fine. You don't have to raise your voice like that, Taffy," tila nang-aasar niyang sabi. "Labas," malamig kong sabi. "This is my house, y–" "I don't fúcking care if this is your goddàmn house. Labas!" sigaw ko at pilit siyang itinulak palabas. "Labas!" Wala siyang nagawa kundi ang lumabas. Marahas kong isinara ang pinto at ini-lock ito. Pagkatapos ay napasandal na lang ako dahil sa labis na panghihina ng mga tuhod ko. Napahawak ako sa aking dibdib. Sobrang lakas ng kabog nito. Maging ang pisngi ko ay nag-iinit dahil sa tensyong naramdaman ko sa pagitan naming dalawa kanina. Nakakapanghina. That was a dangerous situation. Sobrang delikado. I have to control myself. I have to forget him. I have to forget all the sensations he made me feel that night. Hindi na ako pwedeng bumigay sa kanya. I have to drive him away or I'll ruin everything and hurt the person I love the most. I can't betray my mother. Hindi ako pwedeng bumigay kay Sebastian. Hindi. Kailangan kong lumayo. Kailangan kong umiwas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD