Tahnia's Point of View Tahimik lang ako buong biyahe dahil hindi maalis-alis sa isipan ko ang set-up ni mama at Sebastian. Ilang beses ko nang napapansin na tila may mali. They may have agreed on a secret relationship, but never did I ever—even once—saw them getting intimate with each other. They seem so distant, as if they're not a couple at all. Ayokong magduda. Ayokong pagdudahan ang nanay ko, pero napapaisip ako kung tunay nga bang may relasyon sila. Kasi kung meron naman, bakit nila itinatago? At kung wala, para saan ang pagpapanggap? Ano ang rason? "Are you that worried about Sebastian that you're spacing out way too often?" sabi ni Enrico kaya napatingin ako sa kanya. "Hindi naman siya mamamatay sa lagnat." "Hindi naman 'yon ang iniisip ko," pagbara ko sa kanya. "It's somet

