Luiza’s Point of View “Ate, may naghahanap sa ‘yo,” bungad na sabi sa akin ng tindera ko. Pagsilip ko sa labas ay nakita ko ang pamilyar na mga mukha ng mga tauhan ni Sebastian. At kahit wala pa naman silang sinasabi ay kinutuban na ako. Mabilis na bumilis ang kabog ng dibdib ko pero nanatili akong mahinahon. “Lumabas muna kayo,” utos ko sa kanya. “Pagkatapos ay papasukin mo sila,” pahabol ko na agad naman niyang sinunod. Agad na pumasok ang dalawa. At kahit wala pa silang sinasabi ay alam ko na agad kung ano ito kaya inunahan ko na sila, “Nahanap na nila kami, ‘no?” Kita ko pa ang pagdadalawang-isip nilang tumugon, pero maya-maya pa’y tumango sila pareho. “Utos ng boss na i-secure kayo, Ma’am,” magalang nilang sabi. “Ang sabi, sumama raw kayo sa amin. Ihahatid namin kayo sa mansyo

