Halos magkandasubsob si Luiza sa pagtakbo pababa ng hagdan. Hindi na niya pinansin ang pagtawag sa kanya ni Tahmira, dahil wala siyang ibang naiisip kundi ang pigilan si Lorenzo sa binabalak nito. Hingal na hingal siya nang makarating sa labas ng mansyon. Doon ay naabutan niya si Lorenzo na kausap ang tingin niya’y mga tauhan ng mga Corvino. Ikinuyom niya ang kanyang kamay. Huminga siya nang malalim saka nagsalita, “Che diavolo significa tutto questo, Lorenzo? Chi sono queste persone? (Ano ito, Lorenzo? Sino ang mga taong ‘to?)” matapang niyang saad kahit na kinakain na siya ng pag-aalala. Doon na napatingin sa gawi niya ang mga ito. “Non farci caso a lei (Huwag n’yo siyang pansinin),” tila walang pakialam na sabi ng kanyang asawa saka nito muling kinausap ang mga lalaki. “È dentro. P
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


