Pumunta kami ni Jk ngayon dito sa ospital, hindi ko tiyak kung naka duty ba ngayon si doc marco, kanina pa tanong ng tanong sa'kin si JK kung anong ginagawa namin sa ospital pero hindi ko naman sinasagot. Ang totoo niyan ay meron lang akong gustong makumpirma. Gusto kong makompirma sa pang-apat na pagkakataon kung tunay na nga tong nararamdaman ko. Lumapit kami sa nurse station at pinagtanong kung naka duty ba si doc marco. Lumabas daw ito kasama si Doc wallace at hindi daw alam kung anong oras babalik. Bigla akong nalungkot sa pagkakasabi ng nurse. Naupo muna ako saglit sa isa sa mga upuan sa waiting area don, at nakatayo naman sa harapan ko si JK na wari'y nagtataka kanina pa kung bakit hinahanap ko si doc marco.
"Mace sino ba kasi yon? At bakit hinahanap mo? may atraso ba sayo yon? Ang sunod sunod na tanong sa'kin ni JK
"Wala siyang atraso, meron lang akong gustong iconfirm. Mahina kong wika sa kanya habang nakayuko. Umupo naman siya sa aking tabi at hinawakan ang aking kamay at pinisil ng marahan kaya napatingin ako sa kanya.
"May problema? May pag-aalalang tanong niya sa'kin. Umiling lang ako sa kanya. At ilang minuto pa'y nakita ko na si doc marco at sa likod naman niya si doc wallace, huminto muna sila sandali sa may nurse station, nakapwesto naman kame sa di kalayuan kaya kitang kita na namin sila. Napatayo ako bigla at hinawakan ang aking dibdib na hindi inaalis ang tingin sa kanya. Totoo nga! Lalo naghumirintado ang puso ko ng nakita ko siyang ngumiti. Hindi man sa akin pero ang lakas ng epekto nito pagdating sa'kin. Nagusap muna sila ni wallace sa harap ng nurse station habang tinitignan ang hawak na chart.
"Bro kung ako sayo bibinyagan ko na yan" nakangising may pang-aasar na sabi ni wallace kay marco.
"Pwede ba wallace tigilan mo nga ako" habang busy sa pagbabasa ng chart.
"Kahit tikim lang marco, You are 27 already pero birhen ka pa din, minsan iniisip ko baka nga bakla ka na kaya ayaw mo kay kristine" Matalim namang tinignan ni marco si wallace na walang preno ang bibig kaya pati ang mga nurse doon ay napapatingin sa kanila at napapangiti na lang.
"Wallace yang bibig mo naman! Para kang hindi doctor! Humagalpak naman ito ng tawa na halatang inaasar lang si marco.
Lalapit na sana kami ng biglang mapadako ng tingin si marco sa amin. Kinabahan ako bigla dahil nakakunot ang noo nito. Kumaway muna ako sa kanya at sabay lapit sa kanila, kasunod ko naman si JK.
Hi Doctor marco and doctor wallace"!! masayang bati ko sa dalawang gwapong doctor. Nakangiti naman si wallace samantalang si marco ay nakasimangot at sa ibang direksyon tumingin.
"Hi macelyn! Kaway naman ni doc wallace. "Who is he? baling niya kay JK Boyfriend mo?
"Ah hindi! bestfriend ko si JK. Ngumiti naman ng pilit si JK.
"Ano na naman ang ginagawa mo dito? Masungit na tanong niya sa'kin. Hindi ko alam kung bakit lagi na lang siyang masungit pagdating sa'kin. O sadyang ganito lang siya talaga kasungit.
"Di ba sinabi ko na naman sayo---
"I'm not a doctor you are looking for. Putol niya sa sasabihin ko, napalabi naman ako.
"Magpapalit ka ng doctor mo? Si Jk naman nagsalita na may halong pagtataka.
"Why Macelyn? Are you sick? Si doctor wallace.
"Yes she is! Sagot kagad ni JK
"Where?
"Here" sabay turo ko kung saan ang aking puso.
"Stop kidding! halatang naiinis na si doctor marco
"Its true, may sakit talaga ako.
"I'm a surgeon not a cardiologist"
"But you're a doctor, who can treat my heart" Napamaang silang tatlo sa sinabi ko. Natawa naman si doctor wallace
"Is that a pickup line macelyn?
"Hehehe buti ka pa doc Wallace nagets mo.
"Lets go wallace marame pa tayong pasyente. Pagkasabi non ay tumalikod na rin siya kasabay si doc wallace.
"Sige macelyn, magbaon ka pa ng maraming pick-up line dito kay marco, sabay kindat niya pa sa'kin bago sumunod kay marco.
"Sino ba yung marco na yon"? kalaunay tanong ni JK ng makaalis na sila, at kami naman ay naghihintay sa pagbukas ng elevator para umalis na.
"Syempre doctor"
"I know he's a doctor, what I mean is ano mo siya? mataman siyang nakatitig sa'kin habang naghihintay ng isasagot ko.
"He is my---aaahm…
"He is your first crush right?
"huh??? Bago pa ko makasagot ulit ay siya namang pagbukas ng elevator at inaya ko na siyang sumakay para hindi na niya ko tanungin pa.
"She's cute,
"Who? Seryosong tanong ni marco kay wallace habang nagrorounds sila kasama ang iba pang doctor.
"Macelyn, what do you think of her?
"She's annoying"
"She's bubbly" bawi naman ni wallace habang may sinusulat siya sa hawak na chart at nakatingin sa kanya si marco.
"You like her? nakataas naman ang isang kilay ni marco.
"At first, pero ayoko siyang agawin sayo" may halong nakakalokong ngiti niya kay marco.
"W-whaaat?! Napalakas ang sigaw niya kay wallace kaya naman ang ibang pasyente at doctor na kasama nilang magrounds ay napatingin sa kanila.
"Aaahm..i-I'm sorry, nahihiya niyang hinging paumanhin,."What did you say? pabulong niyang tanong kay wallace na kasalukuyan na silang nakalabas ng kwarto ng ibang pasyente.
"I'm just kidding bro" don't make it serious...Nagsisimula ng tumawa si wallace dahil sa itsura ng kanyang pinsan. "Gusto ka nong macelyn bro, I feel it! dagdag pa niya na lalong nakapagpa irita kay marco.
"I dont like her, she's annoying, ang kulit niya.
"Pero mas masarap kasama ang mga ganun bro". Pumasok na muna sila sa opisina ni marco. Naupo siya sa swivel chair at sumandal doon. Si Wallace naman sa harap niya nakaupo.
"Malay mo bro kung hindi si kristine, baka si Macelyn ang susi at makapagbukas niyang sarado mong puso". Makahulugang wika ni wallace. Naiiling naman si marco sa kakulitan ng pinsan at dumagdag pa si macelyn sa pangungulit sa kanya. Habang nag-uusap sila ay bumisita naman sa opisina niya ang director ng ospital para kausapin si Marco.
"Good after Doctor cristobal" Napatayo siya sa knyang upuan para batiin ang director ganon din si wallace.
"Have a sit doctor cristobal, alok naman ni marco at umupo sila sa sofa katapat lang ng lamesa niya.
"May ipapakiusap sana ako sayo doc marco. Panimula ng director
"What is it doctor cristobal?
"Gusto kong ikaw muna ang magturo sa Southville University naka leave kasi si doc galvez ng 1 month dahil nagka emergency daw sa probinsya nila.
"W-why me?
"Because you are the top student of that school". At yung may-ari din ng school ang nagrequest non habang wala pa si doc galvez. Wag ka mag-alala mga medicine student din naman ang tuturuan mo. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga saka pumayag.
"Dont worry bro 1 month ka lang naman magiging professor. Panunukso naman ni wallace.
"When did I start doc cristobal?
"Pwede ka ng magstart bukas"
"Tomorrow na po agad?
"Yes doc marco, tatawagan ka mamaya ni doc galvez kung ano yung mga ituturo mo para bukas. Pagkasabi non ay lumabas na ng opisina niya si doctor cristobal.
"Well bro goodluck on your first day of teaching tomorrow" Siya naman ang sumunod na lumabas ng may nakakalokong ngiti.